top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Pilipinas record-breaking sa Miss Universe 2024: Apat na dugong Pinay kasali

Photo from bandera.inquirer.net

10/15/24, 6:48 AM

Apat na Filipina ang sasabak sa Miss Universe 2024, dahilan upang maitanghal ang bansa bilang record-breaking sa larangan ng pagandahan sa mundo.

Ngunit isa lamang ang kakatawan sa Pilipinas. At tatlo sa kanila ay haharap sa Mexico bilang pambato ng mga bansang Great Britain, New Zealand at Bahrain.

Kakatawanin ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo ang bansa sa darating na world beauty pageant.

Si Chelsea na isang modelo ay tubong Bulacan. Siya ang kauna-unahang Filipina na may lahing African na kandidata ng Pilipinas sa popular na beauty contest.

Lalaban din ang Filipina-British na si Christine De la Cruz Chalk na kakatawan sa Great Britain.

Dati nang lumaban si Chalk sa Miss Universe Philippines ngunit hindi sinuwerte.

Sa Instagram, ito ang sinabi ng Filipina beauty na tubong England: “If at first you don’t succeed… try, try, try, try again…”.

Noong 2021, pinakiusapan na si Filipina-Kiwi Victoria Vincent na maging kandidata ng New Zealand sa Miss Universe. Dahil hindi pa siya handa noon, tinanggihan muna ng magandang dilag ang offer.

Sa nakaraang Miss Universe New Zealand pageant, sumali na si Victoria at tinalo nito ang 15 iba pang kandidata upang mahirang na Miss Universe New Zealand.

Ipinanganak sa Cavite si Victoria na sumali lamang sa pa-contest ng New Zealand upang bigyan karangalan ang pinanggalingan ng ama.

Si Miss Universe Bahrain Shereen Ahmed ay isa pang Pinay na makikipag-tunggali sa mga kapwa niya dugong Filipino.

Inspirasyon daw niya si Michelle Dee na nakoronahang Miss Universe Philippines noong 2023.

Katulad ni Christine, nabigo rin si Shereen sa unang pagsabak niya sa Miss Universe-Bahrain kung saan itinanghal siya bilang 2nd runner up.

bottom of page