

ENTERTAINMENT
Parokya ni Edgar stranded sa Bicol dahil sa bagyo
.jpg)
Photo from bandera.inquirer.net
10/25/24, 5:55 AM
Ni Karin Ceara Cabrera-Sakai
Sa hindi inaasahan, stranded sa Bicol ang mga miyembro ng bantog na grupong Parokya ni Edgar, kabilang ang kasamahang mga Original Pilipino Music (OPM) artist na sina Flow G at Skusta Klee, sanhi ng tindi ng sama ng panahon dulot ng supertyphoon Kristine na nagbunsod ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Sorsogon.
Nagbigay ng update ang banda sa kanilang situwasyon sa pamamagitan ng Facebook post para ibahagi sa kanilang mga fans ang ilang larawan habang bumubuhos ang matinding pag-ulan.
“Stranded kami sa Sorsogon. 'Di kami maka-uwi. Canceled lahat ng flights. Delikado din daw mag-roadtrip. So naligo na lang kami sa ulan,” salaysay ni Alfonso ‘Chito’ Miranda Jr., band leader ng Parokya.
‘Stay safe, everyone!!” dagdag pa ng banda.
Katatapos lang magtanghal ang parokya para sa Kasanggayahan Festival nitong nakaraang Oktubre 21 kasama sina Flow G at Skusta Klee.
Batay sa talata ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas ang Signal No. 2 sa hilagang silangang bahagi ng Sorsogon na sumasakop sa bayan ng Prieto Diaz at lungsod ng Sorsogon.
“Kristine may exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) region (today), Friday (25 October),” inanunsyo din sa talata.
