

ENTERTAINMENT
Pagsikat ng It’s Showtime sinasabotahe ng maraming intriga - Vice Ganda

Photo from bandera.inquirer.net
10/12/24, 12:28 PM
Mayroon daw umanong sumasabotahe upang pabagsakin ang It’s Showtime na patuloy ang pagpayagpag sa ere.
Ito ang hinala ni Vice Ganda dahil umano sa mga kung anu-anong intriga na inilalabas laban sa mga host ng programa.
Sa press conference ng programa noong Biyernes (Oktubre 11), naitanong kay Vice ang tungkol sa mga kumakalat na speculation laban sa mga host.
Kasama rito ang mga “maritess” na hanggang Disyembre na lamang ipalalabas ng GMA-7 ang sikat na noontime show. Nagsimulang itong umere sa Kapuso network noong Abril 6.
Ito ang pumalit sa Tahanang Pinakamasaya na hindi nag-click bilang kapalit naman ng Eat Bulaga.
Na-intriga rin ang pagsasama nina Vice at ni Ion Perez na napabalitang nakabuntis sa co-host sa Its Showtime na si Jackie Gonzaga.
Pinabulaanan ni Jackie ang isyu, ngunit hindi pa rin nakuntento ang mga netizens sa pag-iintriga.
