top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Neri Naig-Miranda laya na, haharapin ang piskalya sa kasong syndicated estafa

Photo from bandera.inquirer.net

12/5/24, 11:34 AM

Ni Annietha Fae Mar

Nakalaya na sa pagkakakulong ang aktres na si Neri Naig-MIranda ngunit magpapatuloy ang paglilitis sa kanya sa korte at sa piskalya dahil sa pagkakasangkot umano sa hinihinalang investment scam ng isang dermatological company.

Kinumpirman ng Bureau of Jail Management and Penology na tumalima na ito sa direktiba ng Pasay City Regional Trial Court Branch 112 na i-release na sa kanilang kustodiya si Naig-Miranda, asawa ng sikat na bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Ayon kay BJMP spokesperson Inspector Jayrex Joseph Bustinera ibinigay ng BJMP ang release papers ng akusado ssa ospital kung saan ito nakaratay para sa “medical evaluation.”

Si Naig-Miranda ay inaresto matapos na magpalabas ng warrants of arrest ang RTC 112 at RTC 111 matapos matanggap nga mga korte ang kasong syndicated estafa at 14 counts ng violation of Securities Regulation Code dahilsa pagkakasangkot niya sa mga kaso ng Dermacare.

Nag-lagak na umano ng piyansa ang akusado para sa SRC violations ngunit hindi na nito kailangan magpiyansa para sa syndicated estafa na isang non-bailable offense.

Dahil umano sa motion to quash the information na inihain ng mga abogado ni Naig-Miranda, nagpasya ang korte na ibalik sa Office of the City Prosecutor ng Pasay City ang syndicated estafa case para magsagawa ito ng preliminary investigation.

Nanindigan ang akusado na mali ang pagsampa ng kaso sa kanya sa korte sapagkat hindi ito idinaan sa preliminary investigation.

Ipinilit naman ng kanyang asawa na walang kinalaman si Neri sa anumang krimen na maaaring kinasasangkutan ng Dermacare sapagkat ang kanyang asawa ay isa lamang endorser ng kumpanya at mga serbisyo o produkto nito.

Wala umanong kinalaman si Neri sa business operation ng DermaCare, diin pa ni Chito.

bottom of page