

ENTERTAINMENT
Nadia Montenegro iniimbestigahan sa marijuana incident sa Senado
.webp)
Photo from bandera.inquirer.net
8/14/25, 11:47 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Nahaharap sa imbestigasyon sa Senado ang dating aktres na si Nadia Montenegro matapos na umalingasaw ang amoy ng sinindihang marijuana sa ladies comfort room sa Senado kung saan siya naroon.
Isang lalaking staff ni Sen. Panfilo Lacson ang nagsumbong na naamoy niya sa loob ng CR ang amoy ng marijuana kung saan niya natagpuang mag-isa si Montenegro.
Nangyari ang insidente isang linggo na nakakaraan at agad itong isinailaiim sa internal investigation.
Nagsasagawa rin ang tanggapan ni Sen. Robinhood Padilla ng sarili nitong imbestigasyon sapagkat si Montenegro ay nagtatrabaho dito bilang consultant ng kapwa niya artista.
Sa isang internal incident report ng Office of the Sergeant-at-Arms na inilabas noong Agost 12, sinabi ng testigo na naamoy niya ang tila marijuana smoke sa CR sa Senator’s extension offices.
“A male Senate employee approached me, after introducing himself as a staff member of Senator Lacson, and reported noticing an unusual odor coming from the ladies comfort room near the Senators’extension offices. He claimed the odor resembled that of “marijuana” and stated that the only person in the area at the time was allegedly Ms. Nadia Montenegro,” ayon sa incident report mula sa isang security personnel ng Senado.
Dito napansin ng testigo na nagiisa si Montenegro sa loob ng nasabing CR.
Mahigpit na pinabulaanan ng dating aktres ang akusasyon at sinabing malamang na ang naamoy ng staff ni Lacson ay vape na nasa loob ng kanyang bag.
Ipinadala kay Senate President Francis “Chiz” Escudero at kay Padilla ang report ng OSAA.
