top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

MGA KILALA AT HINANGAAN NA PUMANAW SA TAONG 2024

Photo from bandera.inquirer.net

12/17/24, 8:25 AM

Ikinalungkot ng marami ang pagpanaw ngayon 2024 ng mga kilalang personalidad na nagbigay ng saya, kaalaman at ehemplo sa mundo. Ipinagluksa ng mga tagahanga ang paglisan nila sa mundo dahil tumatak na sa damdamin ng mga tao ang kanilang mga nagawa.

Narito ang ilan sa mga sikat na personalidad na hinangaan ng mga Filipino nang sila ay nabubuhay pa:

ENERO

DAVID SOUL. Pumanaw noong Enero 4, si David ay naging idolo ng mga Pinoy noong 1970’s bilang kapartner ng sikat TV crime series “Starsky and Hutch.” Isang Amerikano si David rin ang nagpasikat ng kantang “Don’t Give Up on Us.” Pumanaw siya sa edad na 80.

PEBRERO

MIKE LACANILAO - Co-anchor ng GMA Balita noong 1990’s. Si Mike ay naging pangulo rin ng Febias College of Bible noong 1976-1982. PUmanaw siya sa edad na 88 noong Pebrero 10, 2024.

CARL WEATHERS. Sumikat bilang professional footplay linebacker sa NFL. Si Carl ay si Apollo Creed ng “Rocky” movies na naging tinik sa leeg ni Sylvester Stallone bago naging matalik na kaibigan. Lumabas din siya sa “Predator” at “Happy Gilmore. Si Carl ay 76 anyos nang lisanin ang mundo noong Pebrero 1.

HIROTAKE YANO. Nagtatag ng retail chain na Daiso na nagbebenta ng mga iba’t-ibang items sa halagang Y100 yen, katumbas ng $1. Matatagpuan na rin sa maraming malls sa Pilipinas ang Daiso. Pumanaw si Yano noong Pebrero 12 sa edad na 80.

ALEXEI NAVALNY. Pinakamatalas na kritiko ni Russian President Vladimir Putin. Tinuligsa niya ang korupsyon at nanguna ito sa maraming demonstrasyon laban sa pamahalaan ni Putin. Maraming naniniwala na siya ay nilikida habang nasa bilangguan. 47 anyos pa lamang nang mamatay noon Pebrero 16.

MARSO

JACKLYN JOSE : 60 pa lamang nang mamatay sa atake sa puso noong Marso 2. Isa siya sa pinakamahusay na aktres sa Pilipinas. Kauna-unahang aktres mula sa Pilipinas at Southeast Asia na nakasungkit ng Best Actress award sa 2016 Cannes Film Festival sa France para sa kanyang pagganap kay Rosa sa pelikulang “Ma’Rosa”.

AKIRA TORIYAMA: Pinasaya niya ang mga kabataan simula 1980’s sa nilikhang Dragon Ball Z series, na isang anime series mula sa Japanese comics. Na-stroke si Toriyama sa edad na 68 noong Marso 1.

ERIC CARMEN: Nagpasikat ng mga kantang “All By Myself” at “Hungry Eyes”. Singer-songwriter si Eric na lumutang sa kasikatan noong 1970’s kasama ang kanyang bandang Rapsberries. 74 anyos nang lumisan noong Marso 11.

LOUIS GOSSETT JR. Pumanaw sa Santa Monica, California sa edad 87 noong Marso 28. Ang kauna-unahang black na aktor na nanalo ng Oscar bilang best supporting actor sa pagganap niya bilang Gunnery Sergeant Emil Folley sa top grossing film na “An Officer and a Gentleman” na pinagbidahan ni Richard Gere. Nakasungkit din ng Emmy awards para sa TV series na “Roots.”

ABRIL

FLOY QUINTOS - mahusay na manunulat, stage director at tumanggap ng maraming Palanca Awards, si Direk Floy ay pumanaw sa edad na 63 noong Abril.

TIKOY AGUILUZ - Batikang direktor na namatay noong Abril. Siya ay 72 anyos. Nagwagi siya bilang Best Director sa Gawad Urian noong 1996 para sa pelikulang “Segurista” at sa parehong kategorya noong Metro Manila Film Festival para sa “Manila Kingpin.”

O.J. SIMPSON: Superstar ng professional football at aktor, si O.J. ay naging kontrobersyal bilang akusado sa pagpatay ng kanyang asawang si Nicole Brown at ng kaibigan nitong lalaki noon June 12, 1994. Na-abswelto siya ngunit pinagmulta pa rin ng danyos sa sibil na kaso ng insidente. PUmanaw noong Abril 10 sa edad na 76.

ROMAN GABRIEL: Ang kauna-unahang Fil-Am na naging quarterback sa professional National Football League ng Estados zunidos. Nakamit niya ang league most valuable player noong 1969. 83 na siya nang maibalitang namatay noong Abril 20.

WILLIAM LAWS CALLEY JR. Gumuhit ng hindi magandang kasaysayan sa Vienam war nang pangunahan niya ang mga kasamahang Amerikanong sundalo sa pagpatay ng 22 mga sibilyan na Vietnamese sa notorious na My Lai massacre. Na-record ang kanyang pagkamatay noong July 29 bagamat pumanaw siya sa edad na 80 noong Abril 28. Sa record, ikinaila na siya ay nagsilbi sa “US Armed Forces.”

MAYO

CARLO J. CAPARAS: Batikang manunulat at direktor ng pelikulang Pilipino. Bago ito, nagiwan ng pangalan si Carlo sa komiks kung saan niya ipinakilala sa kultura ang mga Filipino superheroes na sina Panday, Totoy Bato, Bakekang, Gagambino at Elias Paniki. Pumanaw siya noong Mayo 24.

BERNARD HILL: Amerikanong aktor na gumanap sa “The Lord of the rights: The Return of the King” at kapitan ng lumubog na barko sa “Titanic”. Namatay sa edad na 79 noong Mayo 5.

BILL WALTON. Hall of Fame center ng National Basketball Association at star player ng UCLA Bruins. Cancer ang ikinamatay ni Walton sa edad na 71 noong Mayo 27.

HUNYO

JERRY WEST: Tatlong beses iniluklok sa NBA Hall of Fame bago pumanaw sa edad na 86 noong Hunyo 12.. Sumikat bilang star player ng Los Angeles Lakers ngunit nagsilbi rin ehekutibo sa iba’t-ibang koponan sa NBA. Ang kanyang silhouette shot ang nakatatak sa NBA logo.

DONALD SUTHERLAND - Ama ng sikat din aktor na si Kiefer Sutherland, si Donald ay 88 anyos nang mamatay noong Hunyo 20. Isang Canadian na isa sa mga may pinakamahabang karera sa international films. Lumabas siya sa mga pelikulang “M.A.S.H” at “Hunger Games.”

HULYO

CHINO TRINIDAD: Beteranong sports journalist na namatay sa sakit sa puso noong Hulyo 13. Isa siya sa mga print journalists na sumikat nang subukan ang telebisyon at radyo. Dati siyang komentarista at sports analyst ng GMA-7. Tagapagbalita siya ng mga sports stories sa ’24 Oras” at naging host Saksi sa Double BB,

SHANNEN DOHERTY. Isa sa mga nagpasikat ng “Beverly Hillls, 90210” series. Si Shannen ay 53 anyos nang pumanaw noong Hulyo 13.

CHENG PEI-PEI- Kauna-unahang babaeng gumanap sa mga martial arts films. Ipinanganak sa Shanghai, China, gumanap siya sa “Crouching Tiger, Hidden Dragon” na idinirihe ng sikat na si Ang Lee. Pumanaw sa edad na 78 noong Hulyo 17.

AGOSTO

ALAIN DELON - Mula sa France, sumikat sa Hollywood si Alain Delon noong 1960’s. Hindi lamang siya aktor, kilala rin siya bilang producer ng pelikula, screenwriter at manganganta. Naging kasapi ng Legion of Honor ng France at nakatanggap ng Honorare Palme d’Or award noong 2019 Cannes Film Festival. Namatay siya noong Agosto 18 sa edad na 88.



GENA ROWLANDS. Nilisan ang mundo sa edad na 94 noong Agosto 24. Ang Amerikanang aktres ay pitong taon din namalagi sa US entertainment industry kung saan niya nakamit ang apat na Emmy Awards at dalawang Golden Globe. Nakilala siya sa pagganap na si Allie sa pelikulang “The Notebook”.



LILY MONTEVERDE - 84 anyos noong sumakabilang buhay noong Agosto. Si Mother Lily ang namuno sa Regal Entertainment na nagbigay ng maraming pelikulang kinagiliwan ng mga Pinoy. Sumikat din ang mga aktor ng kanyang Regal Babies kasama sina Marciel Soriano, Alma Moreno, Albert at William Martinez, Gabby Concepcion at marami pang iba.

PHIL DONAHUE. Nagpasimula ng daytime talkshow na ginaya ng mga sikat na hosts na sina Oprah Winfrey, Montel Willliams at Ellen Generes. Pumanaw noong Agosto 18 sa edad na 88.

SETYEMBRE

MAGGIE SMITH : Kilala bilang si PRofessor Minterva McGonagall sa sikat na “Harry Potter”series. Si Maggie ay 89 nang pumanaw noon Setyembre 27, 2024 sa London, United Kingdom.

SERGIO MENDES. Kilala sa pagtayo ng kilalang Brasil 66 at pagpapakilala sa bossa nova . Naging bantog ang kanyang “Mas Que Nada” na nagkamit ng Grammy Awards at naging nominado naman sa Academy Awards ang kanyang “The Look of Love”. Siya rin ang nasa likod ng “Love City.” Namatay si Serio sa edad na 83 noong Setyembre 5.


JAMES EARL JONES. Ang boses niya bilang si Darth Vader at Lion King ang nagpaganda ng mga pelikula kung saan naging tauhan ang mga ito. Edad na 93 nang lisanin niya ang mundo.

KRIS KRISTOFFERSON. Sumakabilang buhay sa edad na 88 noong Setyembre 28, Isang iskolar si Kris na sumikat bilang country music superstar. Ang ilan sa kanyang pinasikayt ay “Me and Bobby McGee”, “Help me Make It Through The Night” at “Why Me” na pawang mga komposisyon niya.

DIKEMBE MUTOMBO. Basketball Hall of Famer na kinagiliwan ng mga fans ng Atlanta Hawks at iba pang koponan dahil sa kanyang husay sa depensal Nilisan niya ang mundo dahil sa brain cancer noong Setyembre 30 sa edad na 58.

OKTUBRE

LIAM PAYNE: Dating miyembro ng pamosong One Direction. Nagulat ang mundo sa kanyang pagpanaw nang mahulog siya mula sa hindi kataasang lugar ng tinutuluyang CasaSur Palermo Hotel sa Buenos Aires, Argentina noong Oktubre 16. Siya ay 31 anyos.


DAVID CHARLTON: Nagtatag ng kilalang David’s Salon na may 200 sangay sa buong Pilipinas. Isang negosyanteng Briton na nagsimulang manirahan sa Pilipinas noong 1978, si David ay 69 anyos nang pumanaw noong Oktubre 29.

ETHEL KENNEDY: Asawa ng pinatay na si Sen. Robert F. Kennedy. Nagkaroon sila ng 11 anak ng nasirang asawa na naging pangulo sana ng USA na katulad ng kanyang nakatatandang kapatid na si late President John F. Kennedy. Namatya sa 3dad na 96 noong Oktubre 10 si Ethel.

YAHYA SINWAR. Ang lider ng Hamas na nagplano at namahala ng massacre ng mga Israeli noong Oktubre 7, 2023. Dito nag-pugat ang pinaka mahaba at pinakabrutal na digmaan sa tinatawag na Israeli-Palestinian conflict. Pinatay si Yahya ng mga pwersang Israeli sa Gaza noong Oktubre 16. Siya ay 61 anyos.

NOBYEMBRE

QUINCY JONES. Talentadong nilalang sa musika na nasa likod ng mga produksyon na “Thriller” albumb ni Michael Jackson. Hinangaan din siya sa pag-produce ng mga album at konsiyerto nina Frank Sinatra, Ray Charles at sandamakmak na recording artists . Pumanaw sa edad na 91 noong Nobyembre 3.

ANANDA KRISHNAN. Isa sa pinakamayamang tycoon ng Malysia na nagtayo ng higanteng business empire na kinabibilingan ng telecommunications, media, petroleum at real estate. Pumanaw sa edad na 86 noong Nobyembre 28.

DECEMBER

DEBBIE NELSON. Ang solo parent ng bantog na rapper na si Eminem. Sa magulong buhay pag-ibig ng ina hinango ni Eminem ang mga titik ng kanyang hit song na “Cleanin’ Out My Closet”. Dahil dito, sinambahan ni Nelson ng $11-milyon na defamation lawsuit ang anak. Noong 2013 naman, humingi ng tawad si Eminem sa ina sa pamamagitan ng kantang “Headlights”. Nasa edad na 69 si Nelson nang pumanaw noong Disyembre 2. kinasuhan ni Nelson ang anak




bottom of page