top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Mga fans umaasang magpapakita sa publiko si Kris Aquino

Photo from bandera.inquirer.net

9/14/24, 7:34 AM

Lubhang ikinatuwa ng mga tagahanga ang pagbabalik sa bansa ni Kris Aquino na patuloy pa rin lumalaban sa kanyang rare medical condition.

Marami ang nakakita kay Kris nang sumakay siya ng eroplano sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California noong tanghali ng Huwebes (PH time). Kasama niya sa airport ang anak na si Bimby at ilang mga kaibigan.

Wala pang pahayag kung magpapakita sa publiko at kung gaano kadalas at katagalang anak ng yumaong sina dating Pangulo Corazon C. Aquino at dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino.

Subalit marami ang umaasa na masusulyapan sa publiko kahit paano si Kris upang ipahayag ng personal ang kanyang kalagayan.

Noong 2022, nagpahayag ito na lumipad siya sa US upang magpagamot sa tatlong autoimmune conitions na dumapo sa kanya.

Hindi na nakabalik si Kris simula noong sapagkat lumubha ang kanyang kalagayan.

Seryoso ang mga karamdamang auto immune na kinabibilangan ng multiple sclerosis, lupus, rheumatoid arthritis, Chronic spontaneous urticaria, at iba pa.

Ayon kay Kris dinapuan siya ng tatlo hanggang apat na autoimmune issues.

bottom of page