top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Mga elderly Filipino dudumugin ang “Senior Moments”: Kikita kaya sa takilya?

Photo from bandera.inquirer.net

10/17/24, 11:52 AM

Iinaasahang pagkakaguluhan ng libo-libong senior citizens ang pelikulang Senior Moments na nagkaroon ng premiere kamakailan sa Cinema 5 ng Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Siguradong makaka-relate ang mga elderly Filipinos sa pelikula na kauna-unahang offering ng bagong outfit na A & S Production.

Ngunit kikita kaya ang mga producer gayong ang karamihan sa mga manonood ay mayroon nang diskwento habang ang iba, lalo na sa Quezon City at iba pang siyudad sa Metro Manila, ay libre?

Hindi umano nababahala ang mga gumawa ng pelikula sapagkat para sa kanila, kaligayahan na rin ang makapagbigay aliw sa mga nakatatandang Filipino.

Bida sa pelikula ang mga nakaka-aliw na sina Tessie Tomas, Noel Trinidad at Nova Villa na pawang mga senior citizens na.

Ang beteranong writer-director na si Neil “Buboy” Tan ang nag-direk ng pelikula na sasalamin sa mga tema ng pagtanda, pag-iisa at iba pang mga pangyayari sa buhay pamilya.

Ang mga samut-saring pangyayari sa pagtanda ay manggagaling sa tatlong dating high school classmates.

Role ni Tessie ang isang mayamang babae na may mga anak na nagkaka-pamilya na. Bagamat mariwasa ang buhay hinarap ni Tessie ang pagkalungkot ng naiiwan mag-isa sa napakalaking bahay.

Si Nova naman ang tumanda na naging lapitan ng mga nangangailangang kamag-anak. Napagsasamantalahan laman siya dito ngunit patuloy pa rin ang pakita ng kabaitan.

Isang tumatandang may nagmamahal na anak naman si Trinidad.

bottom of page