top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Mga anak at apo, dumagsa sa pagdiriwang ng ika-70 kaarawan ni Vic Sotto

Photo from bandera.inquirer.net

4/21/24, 6:16 AM

Masaya at napuno ng pagmamahal ang pagdiriwang ng ika-70 kaarawan ni Eat Bulaga host Vic “Bossing” Sotto noong Sabado (Abril 20).

Nasorpresa ang birthday celebrator nang sumipot at nag-pakita ng angking talento sa entertainment ang mga anak at mga apo ng bunso ng tanyag na Sotto family.

Sina Danica at asawanitong basketbolista na si Marc Pingris, kasama ang pinakabunsong anak na si Jean Luc; Paulina at Oyo at asawang si Kristine Hermosa, kasama ang anak na si Odrea ay nakisaya sa pinakamatibay na programang sa telebisyon.

Si Pasig City Mayor Vico Sotto na anak ni Vic at dating Eat Bulaga host na si Coney Reyes ay nagpadala ng video message sa kanyang ama.

Dumating at bumati rin ang asawa ni Vic na si Pauline Luna, kasama ang bagong panganak na si Thia ZMarceline Sotto at ang cute na si Tali na kumanta pa ng “You’ll Be IN My Heart” na regalo nito sa kanyang mahal na Daddy.

Lubhang naging emosyonal sa Vic na sempung taon na ring naging senior citizen sapagkat ginawang espesyal ng mga mahal sa buhay at kasama sa Eat Bulaga ang kanyang ika-70 kaarawan.

Ayon sa kanya, ganito lagi ang kanyang nararamdaman kapag anak na ang pinag-uusapan.

“Ang dami nang pinagdaanan so I would say isa sa pinakamasaya at pinaka-meaningful ito. So I highly appreciate it,” paliwanag ni Vic.

Nagpaliwanag din si Sotto sa tila pagpapakita ng pagkapikon ng co-host na si Joey de Leon sa umanong mga naninira sa Eat Bulaga sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga ‘marites’ na magsasara na umano ang longest-running noontime TV program ng bansa.

Marami ang nag-akalang pinatungkulan nina De Leon at dating Senate President Tito Sotto at karibal na TV show na “It’s Showtime”:.

Ayon kay Vic, hindi naman nila itinuring na kaaway ang noontime show na humalili sa kanilang timeslot sa GMA-7.

“Never naming sasabihin na kaaway ang ‘It’s Showtime”. Maybe katapat o makalaban pero hindi kaawa. Iba ang kaaway namin,” diin ni Sotto.

Ikinalat umano sa social media na dahil sa mahina ang pasok ng mga advertisement, nalalapit na umano ang pagsara ng tabing para sa ‘Eat Bulaga”

bottom of page