top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Matapos ang 50 taon, Art at Garfunkel, kapwa 83, naglahad ng sanhi ng away

Photo from bandera.inquirer.net

11/11/24, 6:24 AM

Ni Anna Mae Rosario

Kapwa 83 anyos na at halos 50 taon nang hindi nagkikibuan nang magsama muli sa mga lakad sina Paul Simon and Art Garfunkel ang duet na hinangaan ng mundo at sumikat noong 1960’s.

Milyon-milyong tagahanga ang nalungkot noong maghiwalay ng landas ang dalawang batikan kompositor at vocal artists na nagpasikat ng mga awiting “Sound of Silence”, “Bridge Over Troubled Water”, “I Am a Rock”, “The Boxer”, “Scarborough Fair” at marami pang ibang hits.

Milyon-milyon din ang nagtanong kung ano ang sanhi ng kanilang break up.

Sa isang artikulo ng The Sunday Times, nilinaw ni Art ang naging dahilan ng alitan matapos na mag-reconnect kay Paul.

Sa kanilang muling pagkikita para sa reunion lunch, tinanong ni Art si Paul kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanilang matibay na pagsasamahan.

Nagbalik tanaw si Simon at dito napaluha si Art nang mapagtanto ang tunay na hinanakit ng ka-partner nang iwan nila ang napakalakas na samahan noong 1970..

“I cried when he told me how much I had hurt him,” sabi ni Art, na katulad ni Paul, ay humakot ng maraming Grammy Awards dahil sa kanilang mga komposisyon at mga kanta.

“I was a fool,” bitaw ni Art na umamin na mali ang kanyang ginawa sa samahan nila nang subukan nitong palitan ng konti ang image na “good” boy.

Ngunit sa dokumentaryong “In Restless Dreams: The Music of Paul Simon”, inilahad din ni Paul na sinira ng “selos” at hindi parehas na partnership ang kanilang pagsasama.

“We had an uneven partnership because I was writing all of the songs and basically running the sessions,” paliwanag ni Simon sa dokumentaryo tungkol sa kanyang musika at buhay na inilabas noong Marso, 2024.

Ang romansa ni Paul sa sikat na 60’s Hollywood staar na Carrie Fisher at Edie Brickel ay may kinalaman din sa pagbagsak ng Simon and Garfunkel.

Nagkasama ang dalawa noong 1964 nang ilabas nila ang album na “Wednesday Morning, 3 AM” na hindi naman pumatok

Ngunit nang ilabas nila ang “The Sound of Silence” noong 1965, dito nagsimulang makilala ang dalawa sa buong mundo.

bottom of page