

ENTERTAINMENT
Maris Racal niloko rin ni Anthony Jennings?

Photo from bandera.inquirer.net
12/6/24, 8:32 AM
Humingi ng tawad sa publiko at sa kanyang mga tagasuporta si Kapamilya actress Maris Racal dahil sa kinasasangkutang cheating scandal kasama ang onscreen partner na si Anthony Jennings.
Sa ekslusibong panayam ng ABS-CBN News, emosyonal na humarap si Maris at nagpaliwanag sa mga pangyayari.
"Lahat ng sasabihin ko ngayon ay galing sa puso ko," ani Maris. "Today, I will take accountability for everything. Nagkamali ako and I wanna say sorry for everything that I have done."
Kwento niya, nagsimula siyang magkaroon ng nararamdaman kay Anthony noong Hunyo kaya't nakipaghiwalay siya sa kanyang kasintahan noon na si Rico Blanco.
Nang ibalita ito kay Anthony, sinabi rin daw nitong nakipaghiwalay na siya sa kanyang girlfriend na si Jam Villanueva, dagdag pa ng aktres.
Ayon kay Maris, naging sweet si Anthony sa kanya at tinutukso-tukso sa harap ng ibang tao.
Makailang ulit daw niyang tinanong ang aktor kung hiwalay na talaga sila ni Jam at hinikayat pang maglabas ng pahayag tungkol sa break up.
"This is my side and I've been reading the screenshots. Dun ko napagtagpi tagpi ang lahat. Kaya pala hindi siya maka-release ng statement dahil sila pa pala this whole entire time," sabi niya.
"I didn’t know. I was in the dark. I had no idea," dagdag pa ni Maris.
Habang nasa Italy sila noong Setyembre para sa shoot ng kanilang teleserye na "Incognito," lalo raw tumibay ang relasyon nila ni Anthony.
Gayunpaman, nag-post si Jam ng cryptic na mensahe tungkol sa relasyon. Nang mag-viral ito, tinanong daw ni Maris si Anthony kung kumusta na si Jam, tulad ng makikita sa mga viral na screenshot na ibinahagi ni Jam sa social media.
"Nangamusta ako kay Jam. It wasn’t because alam ko na sila pa, dahil alam ko na she was going through something and Anthony had to take care of her," sabi ni Maris.
"I would ask him — God knows I would ask him — 'Nagkabalikan ba kayo?' He said no. 'Do you still love her?' He said no. He would say things na ako 'yung gusto niya and all," dagdag pa ng aktres.
Paliwanag daw ni Anthony, naghihintay siya ng tamang panahon upang maglabas ng pahayag tungkol sa hiwalayan nila ni Jam.
"I didn't want to be pushy," ani Maris. "I didn’t want to aggravate things. So I waited and kept quiet because it wasn't my story to tell anyway."
Inamin ni Maris na nahihiya siya sa mga screenshot na inilabas ni Jam. Humingi siya ng paumanhin dahil nakita ng mga tao ang "very intimate side of her."
Sa kabila nito, mas naunawaan niya raw ang mga pangyayari.
"Dun ko na-realize bakit ganun ‘yung reactions ni Jam. Now, I get her. I get her pain. I get her wrath. I get her anger," sabi niya.
"Kaya pala ganun, because she was clueless about everything. I was clueless about everything. We both believed kung ano 'yung nasabi sa amin. Maybe iba 'yung sinabi sa kanya. And I can attest na iba 'yung sinasabi sa ‘kin," saad ni Maris.
Wala pang sagot sina Anthony at Jam sa mga pahayag ni Maris.
