top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Marian Rivera nagbalik sa Primetime TV

Photo from bandera.inquirer.net

2/13/25, 6:25 AM

Ni Tracy Cabrera

MARAGONDON, Cavite — Sa pagbabalik sa Primetime Television, excited si Marian Rivera sa kanyang mga project na inaprubahan ngayong taon.

Kailangan Lang sundin umano ang tamang “time management” para mapagtagumpayan ang lahat.
“Iyong isang project, sobrang maikli lang,” aniya. “They just need me to commit my time para matapos ko. Nakipag-compromise sila with the other project. That’s why I’m excited.”

Makaraang tapusin ang 'Balota' ni direk Kip Oebanda nitong nakaraang taon, na kung saan nagwagi ang aktress ng Best Actress at Excellence Performance awards, at gayun din ang 'Rewind' ni Mae Cruz Alviar, na tinanghal na box-office Metro Manila Film Festival (MMFF) topgrosser noong 2023, handang-handa si Marian sa susunod niyang pelikula ngayong 2025.

Kasama niya ang kanyang manager na sin Michael Tuviera, ang presidente at chief-executive-officer ng Triple A Management at gayun din ang chief-finance-officer at chief-operations-officer ng kompanya na si Jojo Oconer at operations and sales head Jacqui Clara.

So far, nabasa na Marian ang 10 script, ayon kay direk Mike, dang an nga lang ay wala pa siyang tinatanggap na proyekto.

Nakasama din ng aktres si Anna Magkawas, ang CEO at founder ng Luxe Wellness Group, sa paglagda sa contract renewal bilang celebrity endorser ng sunscreen product na Ecran de Luxe ng kompanya.

“In the past two years, grabe ang box-office performance ni Marian,” hayag ni direk Mike. “She won several Best Actress awards long after ‘Balota’ was screened. Ang daming blessings na nangyari sa kanya.

“What I have to really compliment Marian about, if she chooses her projects, it is she is never about box office or awards, it’s always what she wants to do, what speaks to her heart, what she’s passionate about.
“She always wants to do good work and she always wants to inspire. I guess bonus na lang ang awards and box-office.”

Sa pagtatapos, inamin ni Marian na tunay ngang magiging abala siya ngayong taon: “Kung dati busy ako, ngayon parang times two.”

“Nakakatuwa because ang daming mga opportunities and naka-line up na gagawin ko. I look forward to everything that I will do this year,” aniya.

bottom of page