top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Luis Manzano, nagpa-biopsy dahil sa lumalaking “nunal” sa ulo

Photo from bandera.inquirer.net

5/6/24, 10:50 AM

Nag-alala at kasalukuyang inaalam ni Luis Manzano kung cancerous ang umbok sa kaniyang ulo kung kaya’t agad-agad pina-biopsy niya ito nang hindi ipinaalam sa inang si Vilma Santos-Recto.

Sa ibinahaging YouTube vlog ng popular television host, ipinakita niya kung paano pinag-pasyahan konsultahin ang doktor niya at magpa-medical test.

May posibilidad na cancerous ang bukol ngunit malaki naman ang tsansa na ito ay benigh lamang.

“May kailangan i-biopsy dito sa taas ng ulo ko. Parang ang biopsy kung ‘di ako nagkakamali ay i-check kung cancerous or not or kung malignan or benign,” paliwanag ni Luis.

Ayon sa kanya, napagkamalan niyang nunal lamang ang umbok sa ulo kung kaya’t hindi niya halos pinapansin.

“Akala ko dati pa, nunal Kaya niloloko ko iyong mga tao na matalino ako, may nunal kasi ako sa ulo,” pabiro niyang sinabi sa vlog.

Subalit, hindi na naging biro para kay Luis ang “nunal” nang mapansin ng kanyang stylist na tila lumalaki ito.

Una niyang pinuntahan ang isang dermatologist dahil may posibilidad umano na maging skin cancer ang bukol.

Ni-refer naman siya ng dermatologist sa serohano (surgeon) na nag-rekomenda naman na ipa-biopsy ito.

Sa biopsy, kukurot ang doktor ng maliit na laman ng bukol at ito ay ipapa-laboratory test upang malaman kung cancerous o hindi.

Kampante naman si Luis na benign ang umbok

Gayunpaman, hindi muna niya sinabi sa inang si Vilma Santos ang mga medical check up niya sa pangambang baka mag-alala ito.

bottom of page