

ENTERTAINMENT
Loveless Kris Aquino may bagong autoimmune disease, hindi pa kayang magtrabaho

Photo from bandera.inquirer.net
2/24/25, 10:15 AM
Ni Nini Mar
“Not yet fit to work.”
Ito ang sinabi ni Queen of All Media Kris Aquino matapos na madiskubre ng kanyang mga doktor ang bago niyang autoimmune disease kailan lamang.
Ayon kay Kris siya ay “very underweight, 37.kilos/82 pounds.”
Ang kasalukuyang kondisyon ng sikat na aktres ay ipinaalam niya sa kanyang mga tagahanga sa kanyang INstagram post.
Sa litrato sa post, kasama ni Kris sina Kim Chiu, Miles Ocampo, Darla at Doctors Rainier Tanalgo at Hazel David sa kanyang kama.
Sinabi ni Kris na Fibromyalgia ang kadidiskubre pa lamang na autoimmune disease niya.
Ang Fibromyalgia ang ika-pitong autoimmune disease na dumapo sa aktres sa mahabang panahon na.
Ayon sa mga dalubhasa sa medisina ang Fibromyalgia ay nagiging sanhi ng sakit sa muscle at buto. Ang mga naapektuhan nito ay nakararanas din ng pagkahapo, madalas na pagtulog, nagiging bugnutin at makakalimutin.
“I have been exhibiting confirmatory symptoms for 8. Polymyositis as well as 9. Mixed Connective Tissue Disease,” sinabi ni Kris.
Dagdag niya: “Having complicated autoimmune diseases and being allergic to all NSAIDS, steroids, pain relievers, as well as antibiotics and Immunoglobulin Therapy many times the physical pain is overwhelming.”
0
Katatapos lang magdiwang ng bunsong kapatid ng yumaong dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III ng kanyang ika-54 na kaarawan noong Pebrero 14.
“Single” siya sa loob na rin ng mahaba-habang panahon.
“(No) boyfriend so clearly no fiance,” sabi niya. “I never gave details while we were a couple so it makes no sense to elaborater now.”
