

ENTERTAINMENT
Kris Aquino sumailalim sa mga operasyon, patuloy na nakikipaghamok sa seryosong karamdaman

Photo from bandera.inquirer.net
8/26/25, 8:21 AM
Sumailalim sa operasyon si Kris Aquino habang nagpasya naman ang kanyang mga doktor ng higit na agresibong paggamot sa Queen of All Media na patuloy na nakikipaglaban sa 11 seryosong autoimmune diseases.
Sa kanyang Instagram page na inilabas nitong Biyernes (Agosto 22), sinabi ni Kris na ipinatuloy niya ang mga “surgical procedures” bago dumating ang Agosto 21, ang araw na kamatayan ng kanyang amang si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
“I asked my team of doctors to please get my surgical procedures done before Aug. 21,” sinabi niya sa isang video na inilabas sa Instagram.
HIndi na ipinaliwanag ni Kris ang unang surgical procedure na hinarap niya ngunit sinabi ipinahayag niya na ang ikalawa ay para sa “placement” ng kanyang port-a-cath.
Ayon sa National Cancer Institute ang port-a-cath ay isang medical device na ginagamit sa pagkuha ng dugo at pagpasok sa katawan ng mga gamot, kasama ang intravenous fluids, blood transfusion at mga medicinea na katulad ng chemotherapy at antibiotics. Ang port ay inilalagay sa ilalim ng balat, kadalasan sa kanang bahagit ng dibdib.
Ayon kay Kris naalala niya kung kung ano ang dinanas ng kanyang ina, ang yumao nang dating Pangulong Corazon C. Aquino, na nalagay din sa ganitong medical procedure.
“While writing this happy tears are flowing because I’m remembering how much our mom endured for us,” sinabi niya sa kanyang social media post.
“She also had a port-a-cath surgically implanted, yet we never heard her complaint and she didn’t have a pain management doctor,” dagdag niya.
Ayon kay Kris ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby ang dahilan kung bakit siya nakakipaglaban sa kanyang mga sakit.
“It’s very difficult to be as brave as my dad and my mom because I know this is just the beginning of more aggressive treatment to keep me alive and get me to a point of remission,” paliwanag ni Kris.
