top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Kris Aquino natatakot na di na abutan ang 18th birthday ni Bimby

Photo from bandera.inquirer.net

4/20/24, 11:57 AM

Ibinahagi ni Kris Aquino na umiyak nang walang tigil kamakailan dahil sa takot na hindi siya umabot sa mga susunod na kaarawan ng kanyang bunsong si Bimby sa gitna ng patuloy na paglala ng kanyang sakit.

Ipinagdiwang ni Bimby ang kanyang ika-17 na kaarawan noong nakaraang Biyernes.

"I’m sorry for showing weakness yesterday when I cried nonstop because of my fear that I may not be around to be with you on your 18th birthday," sabi ni Kris sa kanyang Instagram post.

Pinasalamatan niya rin Bimby na aniya'y pinagkukunan niya ng lakas, at sa inisyatibo nitong alagaan ang kuyang si Josh na may autism.

Wish ni Kris para sa anak na mananatiling malakas at patuloy na maging magalang at mabait.

Hangad din niyang manatiling masipag ito sa pag-aaral.

"I LOVE YOU not only during my lifetime or yours BUT definitely for eternity," sabi ni Kris kay Bimby.

"HAPPY BIRTHDAY to the love of my life," pagtatapos niya.

Nasa United States ngayon si Kris at ang kanyang mga anak habang nagpapagamot ito sa kanyang autoimmune disease.

bottom of page