top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Kris Aquino may bagong jowa, balak umuwi ng Pinas

Photo from bandera.inquirer.net

7/1/24, 4:38 AM

Ibinahagi ni Kris Aquino sa isang panayam na may nagpapatibok ngayon ng kanyang puso at pinaplano niyang makabalik ng Pilipinas ngayong taon.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, chinika ni Kris at anak nitong si Bimby sa kanyang buhay-pag-ibig.

"It just flowed. He's a doctor, and I think that's part of the reason why it was easy, kasi alam niya kung anong pinagdadaanan ko," sabi ni Kris patungkol sa kanyang nobyo.

"He is part of the reason why I'm confident na pwede akong umuwi kasi alam ko there's someone who will help in taking care of me," dagdag niya.

Bago nito ay nagkaroon ng relasyon si Kris kay Batangas Vice Governor Mark Leviste ngunit naghiwalay rin sila dahil sa kanyang mga alalahanin sa kalusugan.

Inilarawan ni Bimby ang doktor bilang isang "very good guy" bagaman hindi na nila idinetalye ang pagkatao nito.

Sa panayam, sinabi ni Kris na gusto niyang makabalik sa Pilipinas bago mag-Pasko ngayong taon, ngunit nakasalalay ito sa resulta ng kanyang mga darating na hospital tests. "Isa doon yung MRI with contrast dye," sabi niya.

Nasa Estados Unidos ang TV host at ang kanyang mga anak para ipagamot ang kanyang autoimmune diseases.

bottom of page