

ENTERTAINMENT
Kris Aquino hiyang sa Pilipinas kesa Amerika?

Photo from bandera.inquirer.net
7/12/25, 10:45 AM
Hiyang si Kris Aquino sa Pilipinas kung kaya unti-unti na siyang nakakadama ng pisikal na kalusugan, ayon sa mga kapamilya’t kaibigan.
Matapos na manatili sa US ng ilang taon upang ipagamot ang ilang mga nakababahalang auto-immune diseases, nagpasya si Kris na bumalik sa Pilipinas noong Setyembre, 2024.
Simula noon, ang dating popular na aktres at television host ay nakararamdam na nang dagdag na kabigatan.
Napansin din ito ni online entertainment host Mama Loi Villarama, isa sa mga matalik na kaibigan ni Ms. Aquino, noong bisitahin niya si Kris.
Nag-share sa Instagram si Villarama ng video na nagpapatunay na lumulusog na ang pinakabunsong kapatid ng yumaong dating Pangulo Noynoy Aquino.
Sa video, ipinakita na binuhat si Kris ng bunsong anak na si Bimby.Sa pagkakabuhat, kapwa napansin ni Bimby at ni Villarama na may kabigatan na siya.
Ayon sa bumibisitang journalist, 106 lbs na si Kris sa ngayon.
Napansin din nito kung gaano kabait si Bimby na matiyagang nag-aalaga sa inang patuloy na lumalaban sa kanyangmga karamdaman,
Kahit pa may ip;inakikitang pagbabago ang kalusugan ni Kris, pinayuhan pa rin ni Villarama ang mga nagmamahal sa kanya na ituloy ang pagdarasal para sa tuluyan paggaling nito.
