top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Korte nag-utos na pakawalan si Neri Naig-Miranda; kasong estafa ibabalik sa piskalya

Photo from bandera.inquirer.net

12/4/24, 6:51 AM

Ni Annietha Fae Mar

Magpapasko na sa piling ng pamilya at hindi na ipipiit ang dating aktres na si Neri Naig-Miranda matapos na mag-pasya ang Pasay Regional Trial Court Branch 112 na hindi na siya idetine.

Ipinag-utos din ng korte na ibalik sa Office of the City Prosecutor ng Pasay City ang kasong syndicated estafa laban sa asawa ng sikat na bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Bagamat hindi ipinaliwanag ng korte ang dahilan sa pagbawi ng kautusang ipiit ng walang piyansa si Neri, lumalabas na kinatigan ng huwes ang akusado na hindi dumaan sa tamang proseso ang pagsampa ng kaso laban sa kanya.

Kinumpirma ni Jail Supt. Jayrex Bustinera, tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology, na nakatanggap ang BJMP ng direktiba mula sa RTC 112 na pawalan na nila si Neri.

Mula sa ospital kung saan siya ipinasok dahil sa karamdaman, hindi na inaasahang ibabalik pa ang asawa ni Miranda sa Pasay City jail.

Inaresto si Naig-Miranda noong Nobyembre 23 sa bisa ng mga warrant of arrest na ipinalabas ng dalawang korte sa Pasay City.

Humaharap siya sa kasong syndicated estafa na isang non-bailable offense at 14 counts ng violations of the Security Regulation Code dahil umano sa pagkakasangkot niya sa pag-aalok ng investment para sa DermaCare na wala umanong pahintulog ng Security Exchange Commission.

Bagamat bailable ang kasong Security Regulation Code violation,nanganib na mapiit ng tuluyan si Neri dahil sa kasong syndicated estafa.

Agaran umanong nag-sampa ng motion to quash ang mga abogado ni Neri at ipinunto nila na ang kaso ng kanila kliyente ay hindi dumaan sa mandatory preliminary investigation ng piskalya.

bottom of page