

ENTERTAINMENT
Kiko Pangilinan sumaklolo sa pamilya ni Chito Miranda; umalma sa pagdakip kay Neri

Photo from bandera.inquirer.net
11/28/24, 8:50 AM
Ni Anna Mae B. Rosario
Inalmahan ni dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang pagsampa ng mga kasong kriminal at pagdakip sa artistang s Neri Naig, asawa ni Chito Miranda na kilalang vocalist ng bandang Parokya ni Edgar.
“Ang product endorser ay isang talent at kung walang koneksyon o kinalaman sa ownership or management at operations nung kumpanyang na-involved sa iligal na operations ay hindi dapat managot sa nasabing iligal na gawain,” paliwanag ni Kiko, na asawa ng megastar na si Sharon Cuneta.
Magaling na abogado si Pangilinan na produkto ng University of the Philippines.
Ayon sa kanya hindi tama ang pag-isyu ng warrant of arrest kay Naig, na isang artista, na kinasuhan ng large scale estafa at paglabag sa Securities Regulation Code.
“At dagdag pa, dahil walang natanggap na anumang mga notice sina Chito at Neri sa kaso, kwesyonable ang ligalidad ng warrant of arrest na dapat kwestyunin sa Hukuman,” diin ni Kiko.
Base sa Instagram post ni Miranda, walang natanggap na subpoena at hindi dumaan sa due process ang pagkakaso sa kanyang asawa.
Pamangkin umano ni Kiko si Miranda na lubos ang pasasalamat sa dating senador dahil sa pagmamalasakit nito sa pamilya.
Ayon naman sa Securities and Exchange Commission, sabi si Naig sa scam dahil siya ang naghihimok sa mga tao na mag-invest sa Beyond Skin Care, na iniimbestigahan dahil umano sa maling pagnenegosyo.
“Siya ay naghihikayat ng mga investments dun sa Beyond Skin Care. “Yun iyung kumpanyang iniimbestigahan,:” ayon kay SEC Director Filbert Catalino Flores III.
Nilinaw ng SEC na ang Dermacare-Beyond Skin Care Solutions ay nag-aalok ng “franchise partner agreements” para sa mga nais mamuhunan sa kumpanya.
Pinapangakuan ang mga investors ng 12.6 porsiyentong interest sa kanila puhunan kada tatlong buwan sa loob ng limang taon. Bukod dito mabibigyan din sila ng libreng serbisyo na inaalok ng kumpanya.
Ang DErmacare-Beyond Skin Care are pinamumunuan ni Chanda Atienza, chief operating officer, at Venus Eunice Gonda, na finance manager.
Ayon sa SEC ang kumpanya ay hindi awtorisadong mag-alok ng investments sa publiko dahil hindi ito naka-rehistro at walang lisensya para magtinda ng securities.
Ipinahayag naman ng Southern Police District na dalawang katao ang namuhunan ng PHP 1.5 milyon sa kumpanya nang ito ay inendorso ni Neri na isang artista.
Kasalukuyang napipiit si Neri sa SPD na walang rekomendasyong piyansa para sa pansamantalang paglaya.
