top of page


ENTERTAINMENT
KathDen nagpakilig sa teaser ng 'Hello, Love, Again'

Photo from bandera.inquirer.net
9/26/24, 3:36 AM
Inilabas na ang official teaser ng "Hello, Love, Again" na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Kinilig ang marami sa 75-segundong teaser kung saan ipinakita ang karakter nina Alden (Ethan) at Kathryn (Joy) na nagpapaalam sa isa't isa sa Hong Kong.
Kita din sa sunod na eksena na nakarating na si Joy sa Canada habang kausap sa telepono si Ethan.
Magkikita muli ang dalawa sa airport ngunit tila hindi sila masaya.
Idinirehe ni Cathy Garcia-Sampana ang "Hello, Love, Again," ang inaabangang sequel ng 2019 blockbuster film na "Hello, Love, Goodbye" na tumabo sa takilya ng P880.6 milyon.
Ipapalabas ito sa mga sinehan sa buong bansa simula Nobyembre 13.
bottom of page
