top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Kamag-anak Inc. hindi na mapipigilan? Ate Vi, Bong Revilla isasabak muli ang pamilya

Photo from bandera.inquirer.net

10/3/24, 8:11 AM

Sa gitna ng pangako ni Senate President Francis Escudero na hindi siya magiging sagabal sa pagsasabatas ng anti-political dynasty law, namapayagpag muli ang mga angkan ng mga kasalukuyang nakaupong mga pulitiko na magpapatuloy ng kani-kanilang Kamag-anak Incorporated.

Pinangunahan ng aktres at Batangas Rep. Vilma Santos ang paghain ng mga kapamilya ng certificates of candidacy. Isinama niya ang bagitong mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian Recto sa pagtakbo sa kanilang probinsya.

Hindi na tatakbo bilang kongresista si Vilma at sa halip ay lalaban siya bilang gobernador.

Makakasama niya bilang vice gubernatorial candidate si Luis. Si Ryan Christian naman ang hahalili bilang kinatawan ng ika-6 na distrito ng Batangas.

Sa Quezon, lalaban sa pangalawang termino si Gov. Angelina Tan habang ang anak na si 4th District Rep. Mike Tan ay lalaban din muli.

Ang pamilyang artista ng mga Revilla ay patuloy pa rin sa planong paghawak ng Cavite.

Si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ay lalaban upang manatiling senador sa 2025 habang ang asawang si Rep. Lani Mercado Revilla naman ay uulit bilang kinatawan ng Second District ng Cavite.

Samantala ang panganay na anak na si Rep. Jolo Revilla ay muli rin lalaban.

Isa pang anak, si Agimat Partylist Rep. Bryan Revilla ay patuloy din lalaban sa 2025 partylist election.

Bantog ang apat at halos hindi natatalo ngunit pare-parehong laging tahimik kapag nagdedebate ukol sa mga bills lehislatura.

Ang kapatid ni Sen. Revilla na si Marlon Bautista ay tatakbo bilang third nominee ng 1-PACMAN partylist.

bottom of page