

ENTERTAINMENT
Kakilala ni Michelle Dee ninenok sasakyan niya
.jpg)
Photo from bandera.inquirer.net
10/1/24, 10:10 AM
Ibinahagi ni beauty queen-actress Michelle Dee kamakailan ay ninakaw ng kanyang kakilala ang kanyang sasakyan.
Sa isang Instagram story, sinabi ni Michelle na inamin ng kanyang kakilala — na pinatira niya pa man din sa kanyang apartment — na responsable ito sa pagkawala ng nasabing sasakyan.
"Unfortunately, a regular creative and his girlfriend that worked and lived in one of my apartments in Manila has admitted responsibility for it," ani Michelle.
"It’s honestly so unfortunate when you trust, forgive, and build people up only for them to go behind you and prioritize their own personal agendas," dagdag pa niya.
Sinabi pa ng aktres na ilalantad niya ang pagkakakilanlan ng mga ito kung hindi mababalik sa kanya ang kanyang mga nawawala niyang gamit.
Hinimok din niya ang kanyang fans na "ipagbigay-alam" ang mga kaugnay na insidente upang hindi na ito mangyari sa iba.
"Be careful who you trust and give access to," sabi pa niya.
Nasa France ngayon ang dalaga para sa Paris Fashion Week, kung saan siya ay dumalo sa ilang fashion shows kabilang ang Sandro Paris, Zomer, at Maitrepierre.
