top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Kahit kakahiwalay lang, Xian Lim ibinandera bagong jowa sa IG

Photo from bandera.inquirer.net

5/7/24, 10:56 AM

Ilang buwan lang ang nakararaan matapos kumpirmahin na hiwalay na sila ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu, ipinost na ni Xian Lim sa social media ang larawan ng kanyang bagong jowa na si Iris Lee, isang film producer.

Ibinahagi ni Xian ang behind-the-scenes photos nila ni Iris na kinunan habang nagfi-film sila ng bagong pelikula, kung saan sila nagko-collaborate.

Simple lang ang caption ng post ng aktor — Kuman Thong — na siya ring pamagat ng kanilang pelikula.

Sa kanyang panayam sa Esquire magazine na inilathala kamakailan, inamin ni Xian na nagde-date na sila ng film producer.

Pero nilinaw niyang nagsimula lang ang relasyon nila ni Iris matapos ang hiwalayan nila ni Kim.

Pinabulaanan din niya ang mga ispekulasyon na si Iris ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. "There's no third party. That's it. That's plain and simple," ani Xian sa interview.

Kinumpirma nina Xian at Kim na break na sila nito lamang Disyembre, kung kailan binura rin ng aktor ang mga video nila ng "It's Showtime" host sa kanyang YouTube channel.

Higit 12 taon din ang pinagsamahan ng dalawa.

bottom of page