top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Joey de Leon ipinagdiwang ang 78th bday kasama ang 4 katukayo

Photo from bandera.inquirer.net

10/14/24, 3:02 AM

Ipinagdiwang ng beteranong TV host at komedyanteng si Joey de Leon ang kanyang ika-74 na kaarawan sa noontime show na "Eat Bulaga!" kasama ang apat na contestants na kapangalan niya.

Sa "Bawal! Judgmental Ka Ba?" segment nitong Sabado, ipinakilala ng contestants ang kanilang sarili bilang Joey de Leon.

Ang una ay isang 26-anyos na nursing attendant mula sa Misamis Occidental habang si contestant no. 2 naman ay 41-anyos na parking attendant mula Sta. Mesa, Maynila. Sinundan sila ng dalawa pang Joey de Leon — isang guro mula Tarlac City at isang pintor mula Quezon City.

Ibinahagi pa ng contestants ang kanilang IDs bilang patunay ng kanilang pagkakakilanlan.

Nagpasalamat din sila sa beteranong host lalo pa't madalas daw ikatuwa ng mga tao ang kanilang pangalan.

"If it weren’t for your legacy and contribution to Philippine entertainment, the name Joey de Leon wouldn’t hold any significance," sabi ng nursing attendant.

Sinamantala rin nila ang pagkakataon upang batiin ang host ng maligayang kaarawan.

"Iba-ibang kwento, iba-ibang personalidad pero isa lang ang sure tayo: may matututunan sa bawat mukha ng Joey de Leon, lalo na sa Henyo Master at Pass Master ng 'Eat Bulaga!' Happy birthday, pare ko," sabi naman ni Vic Sotto.

Ipinanganak si Joey noong Oktubre 14, 1946 at isa siya sa pioneer hosts ng "Eat Bulaga!" kasama sina Tito Sotto at Vic.

bottom of page