top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Ivana naghagis ng bato, Kuya Wil, Philip, Bong at Lito nabukulan?

Photo fromwww.preview.ph/

10/24/24, 11:55 AM

Butata kay aktres-vlogger Ivana Alawi ang maraming artista na nagpupumilit pumasok sa pulitika dahil sa kanilang kasikatan.

Nang kantiyawan si Ivana na pumasok sa pulitika, sinagot niya ang mga nang-aasar na hindi na niya kailangan tumakbo bilang kandidato para makatulong.

“Why should I run? I don’t know anything about politics. I don’t know anything about making laws, and maybe if I would ever join politics, I should at least study for about three to four years, because I don’t want to put our country at risk,” paliwanag ng sikat na aktres sa kanyang TikTok video.

“Why would I endeavor to do something without preparing for it,” dagdag niya.

Sina Willie Revillame at Philip Salvador ang tila tinamaan ng bato sa pahayag ni Ivana.

Tumatakbo ang dalawa bilang senador ngunit pareho naman walang detalyadong maisagot kapag tinatanong kung ano ang gagawin sa Senado.

Bagamat madalas manalo sa pagtakbo bilang senador, sina Senador Bong Revilla at LIto Lapid ay nananatiling parang mga palamuti lamang na tameme kapag nag-dedebate ang ibang mga kasamahan.

Idinagdag pa sa kanila si Senador Robin Padilla na maraming beses nang nabukong kulang sa kaalaman sa paggawa ng batas.

Sa mga panayam sa mga artistang ito, iisa lang ang tila bukambibig nila kapag natatanong kung ano ang balak gawin sa Senado: “Nais ko maglingkod sa mahihirap na kababayan.”

Si Ivana ay wala sa pulitika ngunit patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, ayon sa mga kasama niyang vlogger.

bottom of page