

ENTERTAINMENT
It's confirmed! Tambalang Marvin-Jolina magbabalik-pelikula

Photo from bandera.inquirer.net
9/30/24, 4:55 AM
Ikinakasa na ang comeback movie ng '90s hottest loveteam Jolina Magdangal at Marvin Agustin.
Sa pinakabagong episode ng "Ang Walang Kwentang Podcast," kinumpirma nina ng film directors-podcasters Antoinette Jadaone at JP Habac ang bagong proyekto na pagbibidahan ng dalawa.
Ayon kay Jadaone, idederehe ni Habac ang pelikula batay sa iskrip na isinulat niya kasama si Kristine Gabriel.
"Finally share natin, 'yung film ni JP, na close na natin yung casting natin," ani Jadaone. "So, guys, yung film ni JP ay ang pagbabalik nga ni Jolina Magdangal at Marvin Agustin."
"Mar-Jo fans, here we come," dagdag naman ni Habac.
"Ex Ex Lovers" ang tentative title ng pelikula na kukunan sa Baguio at bansang Malta.
Bukod kina Marvin at Jolina, may dalawang cast pa ang pelikula na hindi muna ire-reveal, saad ni Jadaone.
Unang lumutang ang posibilidad ng comeback movie ng dalawa nitong Hunyo, matapos mag-post ng picture sa Instagram si Jolina kasama sina Marvin, Jadaone at film director and producer Dan Villegas.
Ilan sa mga pinakasikat na pelikula ng tambalan ay ang "Labs Kita... Okey Ka Lang?," "Hey Babe!" at "Flames: The Movie!" noong '90s.
Nakilala rin ang dalawa sa kanilang pagganap sa mga seryeng "Gimik" at "I Luv NY." #
