top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Isko Moreno naging madamdamin, masaya ang muling pakikipagkita sa kanyang VP, Doc Willie

Photo from bandera.inquirer.net

9/18/24, 9:34 AM

Naging madamdamin ngunit masaya ang pagdalaw ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang 2022 presidential election runningmate Dr. Willie Ong sa isang ospital sa Singapore.

Hindi na binanggit ni Moreno kung kailan nangyari ang kanyang pagdalaw sa kapartidong Doc Willie na lumalaban sa malubhang sakit na sarcoma, isang uri ng cancer.

“Mahina pa siya at marami pang chemo sessions na gagawin sa kanya,” sabi ni Moreno na hindi pinalad sa pagtakbo sa pagka-pangulo bilang pambato ng Aksyon Demokratiko noong 2022.

Ayon kay Isko may mensahe si Doc Willie sa mga sumusubaybay sa popular na vlogs niya.

“Mahal daw niya ang mga kababayan nating Pilipino hanggat malakas siya hindi daw siya titigil ng tulong sa taumbayan at sa bansa hanggang dulo,” pahayag ni Doc Willie sa pamamagitan ni Moreno.

Marami ang nabigla nang aminin ni Doc Willie sa YouTube na dumaranas siya ng malalang uri ng cancer ngunit ito ay kanyang lalabanan hanggat kaya pa ng kanyang katawan.

Hinihinalang dumapo ang cancer matapos na siya ay naging senior citizen noong Oktubre, 2024 sapagkat nakaramdam siya noon ng kakaibang pananakit sa may bandang tiyan.

Sa kanyang YouTube post noong Setyembre 11, sinabi ng doktor na itinakbo siya sa ospital dahil sa “neutropenic sepsis” na isang malalang iimpeksyon na umeepekto sa dugo.

Dahil sa pahayag ni Moreno sa kanyang Facebook post, natukoy na ngayon ng madla na si Doc Willie ay nagpapagaling sa ospital sa Singapore na kilala sa pinakamahusay sa paggagamot ng malalang uri ng cancer.

Nahihiyang inamin ni Doc Willie na malaking tulong ang kanyang kayamanan sa pagpapagamot niya ngunit idiniin nito na sa sandaling nagwagi siya sa pagsubok na ito, higit pa siyang tutulong sa mga Filipino upang mapangalagaan ng bawat isa ang kalusugan.

“I am ashaed because I am luck to have some money and people are supporting me. You know my medicines are expensive,” sabi ng doktor.

Dagdag pa niya: “But our countrymen are very poor, they do not have health care. They are just dying from the corruption of politicians.”

bottom of page