top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Gerald Anderson hinangaan dahil sa pagtulong sa mga stranded sa baha

Photo from bandera.inquirer.net

7/26/24, 1:21 PM

Trending ngayon sa social media si Kapamilya actor Gerald Anderson matapos mag-viral ang ilan sa mga video nito habang nagre-rescue sa ilang pamilyang na-trap sa kanilang mga tahanan dahil sa pag-ulan at pagbaha.

Isang netizen ang nag-post sa social media platforms na X at TikTok ng ilan sa mga video ni Gerald habang nakasuot ng white t-shirt at walang takot na lumulusong sa baha kasama ang ilan pang rescuers.

Sa isang video, makikita si Gerald na may bitbit pang bata habang naglalakad sa ga-dibdib na taas ng tubig sa Quezon City.

"Thanks Gerald Anderson! A true Filipino!! Helping during typhoon!! Risking his life!!!" sey ng isang netizen.

Ilang social media users pa ang nagpatotoo na hindi ito ang unang pagkakataon na nabalitaan nilang tumulong ang aktor sa rescue at relief operations kapag may sakuna.

Noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy ay namataan din itong nagre-rescue ng ilan sa ating mga kababayan.

Ipinunto rin ng iba na mabuting halimbawa si Gerald at tunay na Philippine Army reservist.

Narito ang komento ng ilang netizens.

"Yes po, he's an Army reservist so talagang into service siya. Salute him for that. Buti pa siya," sabi ng isang commenter.

"Good job Gerald. Ever since talaga tumutulong 'yan," sabi naman ng isa pa.

bottom of page