top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Filipina kinoronahan bilang Miss Deaf Universe 2024 sa Poland

Photo from bandera.inquirer.net

12/2/24, 5:27 AM

Ni Ralph Cedric Rosario

Kahit mga persons with disabilities (PWD), napatunayang talagang kakaiba ang ganda, kisig at talino ng mga Filipino nang masungkit ng mga kandidato ng bansa ang Miss Deaf Universe 2024 at runner-up finish sa Mister Deaf 2024.

Si Jasmin Ariola ang nagwagi bilang Miss Deaf Universe 2024 sa kumpetisyon na isinagawa sa Warsaw, Poland noong Sabado (Nobyembre 30).

First runner-up naman ang pambato ng mga Pinoy na si Arjay Lopez sa kompetisyon ng Mister Deaf Universe 2024.

May 19 na kandidata mula sa iba’’t-ibang sulok ng daigdig ang sumali sa contest ng mga kababaihang hindi nakakarinig.

Hindi lamang kagandahan ang ipinamalas ni Ariola kaya niya nakuha ang korona.

Nagpalakpakan at natuwa ang mga manonood sa mahusay na pagkakasagot niya sa katanungan: “If you won the crown what will you do for a year?”

Gamit ang sign language, ito ang kanyang sagot: “ I would want to support Mister and Miss Deaf Universe in the future so deaf people could have a better prospect of life and to show, make recognition of disabled people and deaf people even more visible.

Namangha rin sa pagkabilib ang mga audience sa sgot ni Lopez sa katanungang: “What would you do if you won 10 million euros?”

Ipinahayag ni Lopez: “I would give it to Miss + Mr Deaf Universe to help develop the image and to help deaf (people) in the entire world so we can grow as universe community.”

bottom of page