top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Fermin nagpa-awa epek matapos sampahan ng cyberlibel nina Kiko at Sharon

Photo from bandera.inquirer.net

5/11/24, 6:12 AM

Nag-posturang biktima ang beteranong showbiz writer na si Cristy Fermin matapos na sampahan siya ng mag-asawang megastar na Sharon Cuneta at dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan ng cyber libel sa Makati Prosecutor’s Office noong Mayo 10 (Biyernes).

Ipinagdarasal umano ni Fermin na sana ay hindi magalit sa mag-asawa ang kanyang mga tagasuporta sa kabila ng pagsampa sa kanya ng demanda.

Ayon sa kanya marami umano ang nagagalit kina Sharon at Kiko nang malaman nila ang aksyon na ginawa ng mga ito laban sa kanya.

Nauna rito, sinampahan din siya ng demanda ng pamosong aktres na si Bea Alonzo ng cyber libel case.

“Sino po kaya ang susunod, si Julia Roberts na?” pagbibiro nito.

Minasama ng mag-asawang Sharon at Kiko ang mga pinagsusulat at pinahayag ni Fermin tungkol sa pamilya nila.

Bagamat pilit nilang iniiwasan magdemanda, nawalan na umano ng iba pang paraan ang mag-asawa upang patigilin si Fermin sa patuloy na pagpapakalat ng mga mali at walang katotohanang kuwento laban sa pamilya.

Ayon kay Sharon umabot na sa kasukdulang paglalapastangan ang ginawa ni Fermin dahil na-apektuhan na ang kanilang mga anak at pamilya.

Ipinaliwanag niya na sinubukan pa niyang lapitan si Cristy ngunit napagdesisyon na nlang mag-asawa na ipatigil ang “unfairness” na ginagawa sa kanilang pamilya.

“Even my children have suffered, ang sama ng loob nila. We’ve been off social media partly because of this,” naiiyak na paliwanag ni Sharon.

Si Fermin ang ikalawa sa mga vloggers at media writers na dinemanda ng mag-asawa.

Nauna dito sinampahan ni Kiko ng cyberlibel case ang YouTube Channel “Bunganera TV” dahil sa pagpapakalat ng umano’y kasinungalingan at pambabastos sa kanilang mag-asawa at mga anak nila, kasama si KC Concepcion.

“More importantly, the libelous videos are meant to destroy my family,.”ayon sa dating senador.

bottom of page