

ENTERTAINMENT
Fake news maker ng hatian ng yaman ni Gloria Romero lumitaw, humingi ng tawad

Photo from bandera.inquirer.net
2/7/25, 7:59 AM
Humingi ng tawad ang gumawa ng fake news tungkol sa umano’y nilalaman ng “last will and testament” ng pumanaw na beteranang aktres na si Gloria Romero.
Ito ay ipinahayag ni Maritess Gutierrez, anak ni Gloria, nang i-share nito sa social media ang Facebook page Pinoy History’s na nag-post ng “public apology sa kamalian ng kanilang ginawa.
Ipinaliwanag ng may-ari ng FB page na ang kanyang team ang gumawa ng naging viral na hatian ng yaman na iniwan ni Ms. Romero
Inamin ng Pinoy History na sila ang nasa likod ng post at guilty ang kanyang team dahil sa paggawa ng “false information that brought false news to the public.”
“For the information of the public, what you read in the post is wrong, incorrect and false news, Ms. Maritess did not even give ang interview about it. In the desire of one of our admin to make her departure better, this ended up being a great shame on our part,” paliwanag ng pahina.
“We regret the wide dissemination of the photo that was turned into a vlog and shared thousand of times. I hope that with this post, we correct what is wrong,” buong pagsisising sinabi nito.
Dagdag pa: “What we did caused another sadness and worry to the family at the time when we should be giving condolences.”
Nagbigay ng sincere at humble apology ang pahina kina Gutierrez at ang apo ni Gloria na si Chris Balbin.
Bagamat masama ang loob hindi naman nagpakita ng galit ang mga kaanak ng pumanaw na aktres na nakiusap na lamang na bigyan sila ng panahong magluksa.
Ayon kay Maritess walang katotohanan ang naisulat na hatian ng mana ng iniwan umanong yaman ng kanyang ina.
