

ENTERTAINMENT
Diwata gustong makahalikan si Marvin Agustin, kilig na kilig sa aktor

5/14/24, 7:30 AM
Hindi itinago ng social media personality at entrepreneur na si Diwata ang kanyang pagkakilig nang magkaroon ng chance na makausap ang aktor na si Marvin Agustin via video call.
Naka-chikahan ni Diwata ang aktor sa pamamagitan ng video call na mapapanood sa YouTube channel ng isang nagngangalang “SALOMO21.”
Tanong niya kay Marvin, ano ang pag-uusapan nila sakaling bisitahin siya nito sa kanyang pares business.
“Ano pong pag-uusapan natin? Sayang, pagkakataon ko na sana maka-kissing scene ka!” ang hirit ni Diwata.
Kinilig naman ang mga taong nakarinig sa tinuran ng pares business owner.
Samu't saring blessings ang natatanggap ngayon ng social media personality lalo't maraming influencers ang nakikipag-collab sa kanya at patuloy rin ang pagdagsa ng customers sa kaniyang paresan.
Napapanood din si Diwata ngayon sa "Batang Quiapo" na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Kamakailan lang ay nakatanggap siya ng P1 milyong cash, house and lot, at iba pa mula sa businesswoman na si Rosmar Tan.
Nagpadala rin ng kotse ang isang car company sa kanya.