top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Dingdong itinangging naanakan sa labas si Lindsay

Photo from bandera.inquirer.net

5/13/24, 4:45 AM

Tahasang itinanggi ni Dingdong Dantes na nagkaroon sila ng anak ng aktres na si Lindsay De Vera.

Sa panayam ni Dingdong kay Boy Abunda, sinabi niyang wala siyang planong magsalita hinggil sa isyu pero kailangan niya itong klaruhin siya dahil nadadamay ang kanyang pamilya.

"Wala po. Hindi po totoo," sabi ni Dong sa beteranong talk show host.

"Sa totoo lang, nagdadalawang isip talaga ako kagabi kung may sasabihin ba ako about the topic and the issue kasi alam kong baka tanungin ninyo, eh," dagdag ng aktor.

"Pero para sa akin po kasi, dahil may mga tumatawag na po sa ‘kin na mga kaibigan, mga kamag-anak, ‘yung mga nagmamalasakit po sa ‘kin, and because I have a responsibility dito sa aking mga mahal sa buhay, responsibilidad ko na klaruhin ang isyung ito dahil mahalagang mahalaga po ang aspetong ito para sa akin," sabi niya.

Binigyang-diin din niyang mahal na mahal niya ang kanyang kabiyak na si Marian Rivera at ang kanyang mga anak.

Noong 2020 unang kumalat ang isyu at pinabulaanan na rin ito ni Lindsay.

bottom of page