

ENTERTAINMENT
Daniel Padilla nagdiwang ng ika-29 birthday sa dog at cat shelter

Photo from bandera.inquirer.net
4/27/24, 6:47 AM
Ipinagdiwang ni Kapamilya star Daniel Padilla ang kanyang ika-29 kaarawan sa isang animal shelter sa Pampanga noong Biyernes, Abril 26.
Sa ulat ng ABS-CBN News, kitang-kita ang saya ni Daniel pati ng kanyang mga kaanak at fans sa selebrasyon sa nasabing dog at cat shelter sa Barangay Arenas sa Arayat.
Nagtulong-tulong sila sa pagpapaligo at pagpapakain sa halos 90 aso at 50 pusa na karamihan ay na-rescue sa Quezon City, Manila at Novaliches pounding areas.
Dala rin nila ang dog and cat foods and treats at mga bagong bubong at cages para sa mga hayop.
May mga veterinarian din na kasama si Daniel para magkapon, mag-inject ng anti-rabbies at gamutin ang mga pets sa shelter.
Bago nito ay bumisita rin si Daniel sa Center for Health Improvement and Life Development (Child Haus), isang temporary shelter sa Ermita, Manila para sa mga indibidwal na may cancer.
Ibinahagi ng nanay ni Daniel na si Karla Estrada ang ilang video ng kanilang pagbisita sa nasabing shelter.
"Thank you, childhouse, and to the children who are all cancer patients. God bless and all be well soon," ani Karla sa Instagram.
