top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Cristy Fermin idineny na pinagkakitaan Bea-Dominic breakup

Photo from bandera.inquirer.net

5/4/24, 7:05 AM

Matapos sampahan ng kasong cyberlibel ni Bea Alonzo, itinanggi ni Cristy Fermin na pinagkakitaan niya ang hiwalayan ng aktres at ex-fiance nitong si Dominic Roque.

Sinabi 'yan ng beteranang kolumnista at showbiz insider sa radio program at online show niyang “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, Mayo 3.

"Napakalayo pa po ng tatakbuhin ng kasong ito. Magpapalitan pa po kami ng aming mga sinumpaang salaysay at ang prosekusyon na po ang magde-desisyon kung sino ba ang nasa tama at kung sino naman ang nasa panig ng mali," ani Cristy.

"Hindi po natin ito mapupuwersa para sa atin ang manghusga kung sino sa panig naming ni Bea Alonzo ang nagkasala; nasa husgado na po ‘yan," dagdag niya.

Noong Huwebes, nagsampa ng cyber libel case si Bea laban kay Cristy, maging kay Ogie Diaz at mga kasama nila sa kani-kanilang online shows, dahil umano sa "false, malicious, and damaging information" na sinabi ng mga ito laban sa kanya.

Sey ni Cristy, "Hindi lang po naming matatanggap ni Ogie Diaz ‘yung kanyang kampo sa pagsasabi na ang aming daw pong vlogs ay ginagawa para lamang magkaroon ng mataas na views at pagkakitaan si Bea Alonzo."

"Ang programa po ni Ogie Diaz, ang kanyang vlog na ‘Showbiz Now Na,’ maging ito pong ‘Cristy Ferminute,’ ay dinisensyo hindi lamang po para kay Bea Alonzo. Ito po ay para ibalita ang lahat ng kuwento positibo man o hindi tungkol sa mga personalidad na tinatawag po nating public figures," paliwanag niya pa.

Naging usap-usapan sa programa nina Cristy at Ogie ang hiwalayang Bea-Dominic dalawang buwan na rin ang nakararaan.

Kinumpirma ito ng dalawa pero sinabing nasaktan sila sa mga diskusyon ukol dito kahit wala silang consent. Gumawa rin daw ang ilan ng "ridiculous stories."

bottom of page