top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Content creator nag-sorry sa lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

Photo from bandera.inquirer.net

10/9/24, 9:13 AM

Usap-usapan sa social media ang content creator and ex-flight attendant na si Jen Barangan dahil sa paggamit ng camera flash sa katatapos na concert ni Filipino-American singer Olivia Rodrigo.

Ang siste, game na game sa pag-awit si Jen sa hits ni Olivia sa concert nito sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan nitong Sabado.

Di nagustuhan ng ilang netizens kung paano nakatutok kay Jen ang cellphone camera at inire-record ang sarili habang nakabukas ang ilaw nito sa likod dahil nakakaistorbo raw sa iba pang manonood.

Humingi ng tawad sa publiko si Jen dahil sa nangyari.

"To everyone, I'm so sorry for my actions. Best, Jen," sabi niya sa isang social media post.

Ipinagbabawal ang flash photography sa concert at maging sa mga sinehan dahil nakakagambala ito sa ibang manonood.

Inantabayanan ng mga tagahanga ni Olivia ang kanyang concert dito sa Pilipinas kung saan niya inawit ang kanyang hits tulad ng "vampire," "deja vu," "drivers license" at iba pa.

Ilan sa mga artistang naispatan sa concert ay sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at Andrea Brillantes.

bottom of page