top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Connie Francis, star singer ng 60s at current Tiktok sensation, pumanaw sa edad na 87

Photo from bandera.inquirer.net

7/18/25, 4:09 AM

Pumanaw na sa edad na 87 ang Amerikanang singer na si Connie Francis, na nagpasikat ng mga 1960’s hit songs na “Stupid Cupid” at “Pretty Little Baby.”

Ito ay kinumpirma ng kanyang copyrights and royalties manager Ron Roberts sa isang social media post.

“It is with a heavy heart and extreme sadness that I inform you of the passing of my dear friend Connie Francis last night,” ayon sa post ni Roberts noong Hulyo 17.

Dagdag ni Roberts: “I know that Connie would approve that her fans are among the first to learn of this sad news.”

Bagamat sumikat noong early 1960’s ang mga kanta ni Francis, kamakailan lamang ay nag-viral sa Tiktok ang “Pretty Little Baby”. Umabot sa 17 milyon video ang gumamit ng awitin na nagkaroon naman ng 17 bilyon views sa buong mundo.

Malaking sorpresa kay Francis ang nangyaring ito sa muling nabuhay na kanta.

“I’m flabbergasted and excited about the huge buzz my 1962 recording of ‘Pretty LIttle Baby’ is making all over the world,” pahayag niya kamakailan lamang.

Dagdag ni Connie: “To think that a song I recorded 63 years ago is captivating new generations of audiences is truly overwhelming for me.”

Noong Mayo lamang, pumasok din ang “Pretty Little Baby” sa Spotify Global at US Charts sa kauna=-unahang pagkakataon.

Ipinanganak na Concetta Rosa Maria Franconero sa Newark, New Jersey noong Dec. 12, 1937, si Connie ay galing sa pamilyang tubo sa Italy.

May higit na 200 milyon na ang naibenta plaka ng kanyang mga kanta simula nang maging hit ang kanyang “Who’s Sorry Now” noong 1958.

Nagkaroon ng 53 hit songs na pumasok sa Billboard charts si Connie sa matagal na panahon ng kanyang career.

bottom of page