top of page
Flag.gif
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Celine Dion, 58, balik-entablado na!

Photo from pagesix.com

3/31/26, 11:30 AM

Babalik na sa entertainment stage ang sikat na international diva na si Celine Dion matapos ang ilang taon niyang pamamahinga dahil sa isang kakaibang neurological disorder.

Ginawa ni Celilne ang pahayag sa social media habang nagdiriwang ng ika-58 kaarawan nitong Lunes (Marso 30).

Sisimulan niya ang performance sa sampung concerts na itatanghal sa Paris, France.

“This year, I”m getting the best birthday gift of my life,” buong sayang inanunsyo ng pamosong pop singer sa kanyang Instagram account.

Ayon sa kanya magsisimula ang pagbabalik-entablado niya sa Setyembre at Oktubre ng kasalukuyang taon.

Halatang naka-recover na sa malalang sakit si Celine na nagsabing siya ay “feeling good” at malakas na. Nagsayaw pa nga siya.

bottom of page