top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Barbie Forteza, Jak Roberto tinapos na ang 7-taong relasyon

Photo from bandera.inquirer.net

1/3/25, 5:43 AM

Pasabog ang Instagram post ni Kapuso primetime princess Barbie Forteza matapos niyang kumpirmahin na break na sila ng longtime boyfriend na si Jak Roberto.

Sa social media post nitong Huwebes ng gabi, nagpasalamat ni Barbie kay Jak sa pagmamahal nito at pitong taong relasyon nila.

"Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love," ani Barbie.

"Your love was exceptional. But sometimes, good things fall apart so better things can come together," dagdag niya.

Wish din niya kay Jak na matagpuan ang pag-ibig na para sa kanya.

Samantala, umaasa rin daw si Barbie na bibigyan sila ng privacy ng publiko.

"I hope for everyone's understanding and I wish you can help us put this matter to rest," sabi pa ni Barbie.

Huling nag-post si Barbie tungkol kay Jak noong Disyembre kung saan nagbigay siya ng birthday message para sa aktor at ibinahagi ang kanyang pagmamalaki sa mga tagumpay nito.

Nagkakilala ang dalawa noong 2017 sa set ng teleseryeng "Meant to Be" kung saan gumanap si Barbie bilang Billie at si Jak bilang Andoy.

Nagsimulang kumalat ang mga usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon noong Hulyo 2017/

Magkasama rin ang dating magkasintahan sa iba pang Kapuso teleserye, tulad ng "Kara Mia" at "The Half Sisters."

bottom of page