

ENTERTAINMENT
Apat na “G” rated films, inaasahang pipilahan ng pamilyang Pilipino

Photo from bandera.inquirer.net
2/10/25, 8:11 AM
Ni Samantha Faith Flores
Umaasa ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pipilahan ng mga pamilyang PIlipino ang apat na pelikulang binigyan ng ahensya ng angkop na rating.
Ang Thai animated na “Out of the Nest,” tungkol sa isang kambing at pitong nakakaaliw na sisiw, at ang South Korean concert movie na “IU Concert: The Winning,” ay parehong rated G (General Audience).
Ibig sabihin, puwedeng panoorin ng lahat ang dalawang pelikula.
Ang “Firefighters,” na base sa totoong insidente noong 2001 sa Hongje-dong, at ang “Woodwalkers,” na tungkol sa mga bata na nagpapalit-anyo, ay parehong rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).
Sa PG, pwedeng manood ang edad 12 at pababa na kasama ang magulang o nakakatanda.
Para sa mga naghahanap ng aksyon at kababalaghan, swak ang pelikulang “Peter Pan’s Neverland Nightmare” na rated R-16 at R-18.
Sa R-16 ay mga edad 16 at pataas ang puwede lamang manood. Sa R-18 ay mga edad 18 at pataas.
R-16 at R-18 din ang “The Baby in the Basket,” dahil sa tema, kababalaghan at lenggwahe.
Pinayuhan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na pumili ng mga palabas na tama para sa mga bata.
“Malaki ang ginagampanan ng bawat pelikula sa paghubog ng kaisipan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng responsableng panonood, masisiguro natin na bukod sa kasayahang dulot ng pelikula, may mapupulot ding aral ang mga bata sa patnubay ng mga magulang,” sabi ni Sotto-Antonio.
