

ENTERTAINMENT
Anumang namamagitan kina Alden at Kathryn, ‘personal’ para sa aktor

Photo from bandera.inquirer.net
5/7/24, 12:30 PM
Kung anuman ang namamagitan kina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay dapat lamang maging ‘personal” sa dalawa, ayon sa aktor.
Ito ang napagalaman nang tanungin si Alden kung may romansa nang namamagitan sa kanilang dalawa ng aktress.
“Whatever is happening between Kath and I, I really want it to be personal,” sinabi ni Alden.
Tila iniwas ng aktor na ipagkamali ng publiko na ang kanilang pagiging malapit ni Kath ay gimmick lamang para sa nalalapit nilang tambalan sa pelikula.
Ayon sa kanya matibay ang kanilang pagiging magkaibigan na nagsimula noong magbida sila sa “Hello, Love, Goodbye” na nagpatotoo na click sa madla ang kanilag partnership.
“The friendship never ended,” diin ni Alden.
Dagdag pa niya: “Naging solid din talaga iyong samahan naming lahat. And right now, I’m just quite overwhelemed,” paliwanag niya sa Preview Magazine kung saan sila ay naging cover.
Ang sikat na aktor mula sa bakuran ng GMA 7 ay madalas maihambing sa dating kasintahan ni Kathryn na si Daniel Padilla. Ngunit iniiwasan niyang mauwi sa intrigahan ang panunukso.
Wala itong inaamin tungkol sa kanila ni Kathryn bagamat maraming naniniwala na mauuwi rin sa pagmamabutihan ang kanilang pagiging magkaibigan.
