top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Anthony Jennings nag-sorry kina Maris, Jam

Photo from bandera.inquirer.net

12/7/24, 3:52 AM

Humingi ng tawad ang aktor na si Anthony Jennings kina Maris Racal at ex-girlfriend na si Jamela Villanueva.

Isang maikling pahayag ang ipinost ng Star Magic sa Facebook nitong Biyernes ng gabi.

"Sa lahat ho ng mga nangyari nung nakaraang araw, sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko, especially po si Maris tsaka si Jam, humihingi ho ako ng tawad sa dalawang babae," saad ni Anthony sa maikling video.

"And sa lahat po ng mga nadamay ko rin po. 'Yun lamang po. Sorry po ulit," dagdag pa nito.

Ibinahagi ang nasabing video ilang oras matapos magsalita si Maris na umaming nagkaroon sila ng relasyon ni Anthony kahit nasa relasyon pa sila.

Sa kabila nito, iginiit ni Maris na umamin siya sa ex-boyfriend na si Rico Blanco at inakalang nakipaghiwalay na rin si Anthony kay Jam.

Humingi ng tawad ang aktres kay Jam at sa publiko.

Nasiwalat ang cheating scandal nito lamang linggo matapos ibahagi ni Jam sa social media ang palitan ng mensahe sa pagitan nina Anthony at Maris.

Pumatok ang tambalan nila sa Netflix series na "Can't Buy Me Love" kasama sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Magmula noon ay kabi-kabilang endorsements ang natanggap ng dalawa. Kabilang sila sa Kapamilya TV series na "Incognito" at sa Metro Manila Film Festival entry na "And the Breadwinner Is..."

bottom of page