top of page


ENTERTAINMENT
Angeline Quinto ikinasal sa non-showbiz partner

Photo from bandera.inquirer.net
4/25/24, 9:41 AM
Ikinasal si Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz partner na si Novrev Daquina sa simbahan ng Quiapo nito lamang Huwebes (Abril 25).
Dumalo sa simpleng kasalan bilang mga sponsors sina Vice Ganda, Sarah Geronnimo at Erik Santos, ayon sa report ng ABS-CBN News.
Ang bagong kasal ay matagal nang nagsasama at mayroon nang isang anak na lalaki na si Sylvio.
Naging engaged si Angeline at Novrev noong Setyembre 2022, limang buwan matapos na maipanganak si Sylvio. Ang lone child ng mag-asawa ay magiging dalawang taon na sa Abril 27.
Nakilala bilang isa sa mga mahusay na entertainer sa bansa si Angeline, 34, matapos na manalo ito sa Star Power: Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar noong Pebrero 20, 2011.
bottom of page
