

ENTERTAINMENT
Angelica Panganiban isasailalim sa operasyon dahil sa masakit na balakang

Photo from bandera.inquirer.net
10/22/24, 7:07 AM
Noong Oktubre 19, ipinahayag ng aktres na si Angelica Panganiban na siya ay muling sumailalim sa isa pang operasyon sa kaniyang balakang para sa kaniyang sakit na avascular necrosis.
Ayon sa Cleveland Clinic, isang kilalang medikal na institusyon, ang avascular necrosis ay isang masakit na kondisyon sa buto na maaring makaapekto sa ating pagkilos, ito ay nangyayari kapag huminto ang daloy ng dugo sa iyong mga buto.
Pinaliwanag ni Panganiban sa kaniyang YouTube account na, makalipas ang isang buwan mula sa kaniyang core decompression, bumalik siya sa kaniyang doktor. Ipinahayag niya na hindi siya nakaramdam ng anumang pagbabago at mas lumala pa ang kaniyang kondisyon.
Ayon kay Panganiban, bumalik siya sa kaniyang doktor at ipinaliwanag na wala nangyaring pagbabago matapos ang core decompression. Sa halip, mas lumala pa ang kaniyang pakiramdam.
Ngunit siya ay pinayuhan ng kaniyang doktor na tiisin na lamang ang sakit at maghintay muna ng limang taon bago siya ay sumailalim sa hip replacement.
Ibinahagi ng aktres ang kaniyang kalungkutan dahil sa hindi niya kakayahang gumalaw ng malaya at makipaglaro sa kaniyang anak. Sinabi niyang hanggat may paraan na siya gumaling, gagawin niya ito.
Dinadag ni Panganiban na ang pagkamatay ng kaniyang ina ay nagtulak sa kaniya upang humanap ng ibang paraan upang matugunan ang kaniyang kondisyon. Hindi daw siya papayag na may mangyari sa kaniya na mayroon pa siyang ‘regrets’ sa buhay.
Sa kabutihang palad, naging matagumpay ang kaniyang operayon at matapos lamang ang limang oras nito, siya ay nakakalad na, masakit man ang pakiramdam. Ito naman ay ikinigulat ng aktres na emosyonal na binabahagi ang nangyari.
Habang siya ay sumasailalim sa kaniyang physical therapy, naglabas ng luha ng kaligayahan si Panganiban. Sinabi niya na siya ay naiiyak ngunit masaya dahil wala na siyang sakit.
Kasabay ng kanyang emosyon, ang suporta ng kanyang pamilya ay naging mahalaga. Ang kaniyang asawa na si Gregg Homah at batang anak na kilala bilang Bean ay buong pusong sinuportahan ang aktres sa buong proseso ng operasyon.
Sinabi din niya na ang pinakamahalagang bagay sa lahat ay makinig sa iyong katawan dahil walang sinumang nakakaalam ng iyong nararamdaman kundi ikaw lamang.
Magbibigay pa ng balita ang aktres sa kaniyang mga tagahanga tungkol sa proseso ng kaniyang paggaling sa lalong madaling panahon.
Sa huli, ang karanasan ni Panganiban ay nagsisilbing paalala na kahit ano pa man ang mangyari, hangga’t tayo ay humahawak sa pag-asa, makakayanan natin ang lahat.
