top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

Alden nagbabala sa fake posts sangkot siya, Kathryn, Daniel

Photo from bandera.inquirer.net

5/16/24, 5:17 AM

Nagbabala si Alden Richards sa publiko laban sa fake tweets na ginagamit ang kaniyang pangalan para magkomento sa relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Iniuugnay ngayon si Alden kay Kathryn matapos mapansin ng netizens ang closeness nila at may ilan pang chika na nililigawan ng aktor ang Kapamilya star.

Dahil diyan, may ilang gumagamit ng pangalan ni Alden sa social media at gumagawa ng pekeng post para siraan umano ang dating kasintahan ni Kathryn.

"Kahit kailan po hindi po ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy dun sa mga fake tweets na kumakalat," sabi ni Alden sa panayam sa 24 Oras.

"Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po eh pugad ng fake news, so not until 'yung mga official accounts po ng mga artista ang nag-post nung mga tweets na kumakalat diumano, eh huwag po nating agad paniwalaan at mag-fact check po muna tayo bago tayo mag-call out ng judgement," paalala pa ng aktor.

Sa nasabing panayam, tikom pa rin ang bibig ng aktor sa real score sa nila ni Kathryn.

Makailang ulit na niyang sinabi na nais muna niyang manatiling pribado ang anumang namamagitan sa kanila.

bottom of page