

ENTERTAINMENT
Agriculture Usec Savellano, asawa ni Dina Bonnevie, pumanaw sa edad na 65

Photo from bandera.inquirer.net
1/9/25, 9:03 AM
Ni Ralph Cedric Rosario
Dinamayan ng local showbiz ang pagluluksa ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie sa biglaang pagkamatay ng kanyang asawa, si Agriculture Undersecretary Deogracias Victor “DV” Savellano.
Isang dating kongresista ng unang distrito ng Ilocos Sur, si Savellano ay namatay nitong Martes (Enero 7) dahil sa abdominal aneurysm. Siya ay 65 taon gulang lamang.
Mga kilalang personalidad ang nagpahatid ng mga mensahe ng pakikiramay kay Bonnevie na ikinasal kay Savellano noong 2012.
Ayon sa unang balita, inatake ng aneurysm si Savelano bandang madaling araw ng Martes, Siya mismo umano ang nagtakbo sa sarili patungo sa ospital.
Ikinalungkot din ng Malacañang at ng DA ang pagpanaw ni Savellano.
“I am deeply saddened by the passing of Undersecretary Deogracias Victor ‘DV’ Savellano, a true public servant, a dear friend and someone whose heart always belonged to the people he served,” sinabi ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa isang pahayag.
Sa kanyang statement, pinuri ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. si Savellano bilang isang “tireless advocate for the welfare of Filipino farmers and rural communities.
“His vision, grounded in compassion and determination, guided the policies and initiatives he championed. His dedication to agriculture and rural deveveloopment was unwavering, always aimed at improving the lives of those who depend on the land,” dagdag ni Tiu-Laurel.
Si Savellano ang undersecretary for livestock ng DA.
Bago nahhirang na senior official ng DA, si Savellano ay nagsibing Deputy Speaker ng Kamara de Representante. Siya ang ika 24 na gobernador ng Ilocos Sur na nagsilbi noong 2007 hanggang 2010.
Inanunsyo ng pamilya Savellano ang detalye ng burol para sa yumaong DA official.
Mula Enero 8 hanggang 11, magkakaroon ng public viewing para sa mga labi ng yumao sa Aeternitas Chapels and Columbarium sa Commonwealth Avenue, Batasan Hills, QC.
Ililipat ang burol sa Savellano residence sa Cabugao, Ilocos Sur sa Enero 12 at iniskedyul naman ang libing sa Enero 17.
