ENTERTAINMENT
'Tinopak lang': Toni Fowler at Vince Flores nagkaayos na

Photo from www.gmanetwork.com
5/10/24, 8:14 AM
Nagkaayos na ang magkasintahan at social media personalities na sina Toni Fowler at Vince Flores matapos ang malala nilang away na inakala ng publiko na humantong sa hiwalayan.
Sa bagong Facebook post ni Vince, ikinuwento niya na nagkaayos na sila ni Toni at hindi niya raw hahayaan na magkahiwalay sila ng kanyang nobya.
“Yesterday, nagkaroon kami ng matinding away at tampuhan first time sa relasyon namin na malayo sa isa’t isa ng matagal na oras,” sabi ng vlogger.
“Pero hinding hindi ko hahayaan na mag hiwalay kami, dahil sa pag bubuntis ni Jowa sobrang nadala siya ng emosyon kaya nakapag post siya ng kung ano ano,” dugtong pa niya.
Ibinahagi ni Toni ang post ni Vince sa kanyang social media at sinabing “Tinopak lang yung buntis. Ok na.”
Nitong linggo ay usap-usapan sa social media ang cryptic Instagram stories ni Toni, pahiwatig na may pinagdaraanan sila ni Vince.
Nasabi ni Toni sa isa sa mga post na kakayanin pa rin niyang maging single mom ngayon.
