top of page
Screenshot_2024-09-08_193102-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220233-removebg-preview.png
Screenshot_2024-09-08_220244-removebg-preview.png
  • Facebook
  • X
  • Instagram

ENTERTAINMENT

“Godfather of Heavy Metal” Ozzy Osbourne ng Black Sabbath pumanaw sa edad na 76

Photo from bandera.inquirer.net

7/23/25, 5:09 AM

Ni Raselle Joyce Flores

Limang taon matapos makitaan ng Parkinson’s disease, pumanaw sa edad na 76 ang binansagang “Godfather of Heavy Metal” na si Ozzy Osbourne ng tanyag na 70’s rock band the Black Sabbath.

Kinumpirma ang pagkamatay ni Osbourne noong Martes (Hulyo 22) , ilang linggo matapos na itampok siya at ang orihinal na ka-banda na sina Tony Iommi, Geezer Butler at Bill Ward sa “Back to the Beginning Farewell Concert” na ginanap sa Birminghan, England, ang hometown ng kanyang pamilya.

Bukod sa kanyang macabre songs na bumenta ng milyon-milyong plakas noong 1970’s, kilala rin si Ozzy sa kanyang mga pakulo sa stage tulad ng pagsubo ng ulo ng paniki at pagbabato ng laman ng baka sa audience.

Sa kabila ng kanyang istilo ng pag-perform, respetado siya ng kapwa musikero at mga fans.

Ayon sa asawang si Sharon Osbourne determinado ang kanyang asawa na bumalik sa stage kasama ang original Black Sabbath sa kabila ng lumalalang kalusugan.

Sinabi ni Sharon na hindi inaalintana ng asawa ang panghihina at sakit ng katawan kung ang kapalit ay makapiling ang maraming fans, na karamihan ay katulad din nilang mga senior citizens na.

Sa araw ng kanyang pagpanaw, nag post pa si Ozzy sa Instagram ng larawan na kuha noon sa kanyang farewell show.

Sa litrato, napansin na tila may pangitain na si Osbourne ng paglisan sapagkat nakita siyang nakaupo sa isang itim na trono habang nakasuot ng itim na damit at sa harap niya ay ang maraming tagahanga na pumapalakpak.

“It is with more sadness than mere words can convey that we have to report that our beloved Ozzy Osbourne has passed away this morning. He was with his family and surrounded by love. We ask everyone to respedct our family’s privacy at this time,” sinabi ng pamilya Osbourne sa isang pahayag.

Ipinagluksa ng world of entertainment ang pagpanaw ng Black Sabbath front man na ipinanganak sa Marston Green, Birmingham, United Kingdom noong December 3, 1948.

Kasama sina Queen lead guitarist Brian May, Elton John, Rod Stewart ang bandang Metallica sa mga nagpadala ng pakikiramay at nagpahayag ng pagkalungkot.

“There won’t be another like him,” pahayag ni Iommi na co-founder ng Black Sabbath.

Pinarangalan si Osbourne at ang Black Sabbath sa Rock and Roll Hall of Fame noong 2006, ilang taon matapos makapagtala siya ng multiple Grammys sa kanyang kantang “I Don’t Want To Change the World.

Kabilang sa kanilang hit songs ay “Paranoid”, “Iron Man”, “N.I.B” at “War PIgs” na pawang inilabas noong early 1970’s.

bottom of page