

ENTERTAINMENT
‘Will Smith’ pinarangalan sa Emmy’s ngunit nagdulot ng kaba sa mga audience

Photo from bandera.inquirer.net
9/17/24, 8:23 AM
Maraming kilalang taga-Hollywood ang nagulat nang tawagin ang pangalan Will Smith sa entablado upang tanggapin ang award sa pinakamahusay na pagsusulat sa telebisyon.
Ngunit naging katatawanan ang nangyaring tensyon nang makita nila na ang Will Smith na nagwagi ay hindi ang aktor na nasira ang pangalan ang reputasyon dahil sa pagpapakita ng karahasan sa Oscars Awards noong 2022.
“First of all, relax” sabi ng lalaking kapangalan ng aktor matapos na tanggapin nito ang Emmy’s trophy dahil sa mahusay na pagsusulat sa isang drama serye na “Slow Horses.”
Nagtawanan ang audience at muli naghalakahakan nang sabihin ni Will Smith, ang manunulat: “Despite my name, I come in peace.”
Matatandaan ang pangyayari noong Oscars 2022 nang sumugod ang aktor na Will Smith sa entablado at sinampal ang komedyanteng si Chris Rock dahil sa hindi nito nagustuhan ang ginawang biro sa kanyang asawa na si Jada Pinkett Smith.
Dahil dito nagpasya ang Oscars na hindi na muling kumbidahin o pahintulutan pumunta si Smith sa mga darating an awards night ng kilalang organisasyon.
Naghiwalay naman ang mag-asawang Smith isang taon matapos mangyari ang iskandalo sa entablado sa Oscars.
Samantala, gumawa ng kasaysayan ang Japanese-language drama na “Shogun” sa Emmy’s dahil sa paghakot ng parangal sa loob ng isang season lamang.
Kabilang na dito ang pagkamit ng prestihiyosong drama award bilang pinakamahusay at kauna-unahang non-English language series sa telebisyon.
